Ubo Na Makati at Pabalik-balik?

Ubo? Ito ay ang likas na pamamaraan o pag galaw ng ating baga upang ma portektahan ito. Ang pag-ubo ay nakakatulong upang i-pwersang maalis ang mga irritants gaya ng usok  at uhog sa labasan ng hangin ng ating baga na madalas na sinusundan ng maikling malakas na ingay.

Isa rin itong pamamaraan ng ating katawan upang maiwasan ang pagdulot ng impeksiyon sa loob ng baga.

Ang ubo ay maaring acute, subacute at chronic. Ang chronic na ubo o ang pabalik balik na ubo ay nagdudulot ng sakit sa katawan gaya ng sakit sa dibdib,lalamunan at pagkahapo sa kakaubo.

Ang ubo ay maari ring makgambala sa ating pagtulog, sa trabaho at pakikisalimuha sa ibang tao sapagkat ito’y nakakahawa din. Ito ay maari ding maging isang palatandaan o sintomas  ng isang  problema sa kalusugan, gaya ng hika o asthma, at ang kinakatakutan na tuberkulosis.

Mga dahilan at sanhi ng ubo

Paghahawan ng lalamunan – Ang pag ubo natin ay isang pamamaraan ng pag alis sa bara ng lalamunan dulot ng usok, alikabok at kung minsan ay pagkain na naiwan sa loob. Ang pag-ubo na ito ay normal lang at hindi dapat ikabahala, maliban nalng kung ma irritate ang lalamunan at magtuloy-tuloy ang ubo.

Mga mikrobyo at bakterya – Ang pinaka-karaniwang sanhi ng ubo ay ang impeksiyon sa paghinga, dulot ng sipon at trangkaso. Ang impeksiyon ay karaniwang sanhi ng isang mikrobyo at maaaring tumgal mula sa isang araw hanggang sa isang linggo.

Pagkahawa – Nakakahawa ang ubo ng ibang tao dulot ng mikrobyo na dala ng hangin.

Paninigarilyo– Ang paninigarilyo ay ang pangalawang pinaka-karaniwang sanhi ng pag-ubo. Ang paninigarilyo ay nag reresulta sa pagkakaroon ng pabalik-balik na ubo at mag resulta sa hika. Pansin natin na kapag ang mga taong hindi naninigarilyo ay nakalanghap ng usok nito ay siguradong mag-uubo agad at maraming tao talaga ang may allergy sa usok na ito.

Hika – Ang pinaka-karaniwang sanhi ng pag-ubo sa mga bata ay hika. Ito ay dala ng pisikal na aktibidad  sa paglalaro  at dulot din ng malamig na hangin. Malubhang kaso din ang hika na ginagamitan na ng inhaler upang makahinga ng maluwang at possible din na dalhin ng bata sa paglaki niya ang kanyang hika.

Paano maagapan at maiiwasan ang ubo?

  • Matulog ng maaga– Magpahinga ng maaga, ito ang pinaka­mabisang payo para sa mga may ubo na ayaw  gumagastos at uminum ng gamot sa ubo.
  • Pag-inum ng maraming tubig – Panatilihing hydrated ang katawan at uminum ng maraming tubig, ang tubig ay nakakatulong din upang lumambot ang matigas na ubo at kati sa lalamunan.
  • Pagtigil sa paninigarilyo
  • Paglagay ng vapor rub sa dibdib bago matulog
  • Pag-inum ng vitamin c
  • Pag-inum ng salabat
  • Pag-inum ng green tea

Para naman sa mga taong gustong uminum ng gamot sa ubo, pwedeng uminum ng carbocisteineambroxol at lagundi.

Mga remedyong herbal na gamot sa ubo

  1. Luya – Maghiwa ng sariwang luya at durugin ang mga ito nang bahagya. Ilagay ang mga ito sa isang tasa ng tubig na galing kulo. Inumin ito tatlo hangang sa apat na beses sa isang araw para lunas sa namamagang lalamunan, at walang tigil na pag-ubo. Maaari mo rin itong lagyan ng lemon juice at honey para may matamis na lasa.
  2. Limon –  Ang limon ay maaaring gamitin sa iba’t ibang mga paraan para sa paggamot sa ubo. Ito ay may mga katangian na mabawasan ang pamamaga at nagbibigay dagdag vitamin c upang labanan ang impeksiyon. Ang isa medaling paraan upang gamitin ang mga limon ay ang pag timpla nito at paglagay ng honey.
  3. Lagundi – Ang dahon ng lagundi ay mabisang gamot sa ubo. Magpakulo ng mga dahon nito at inumin tatlong beses sa isang araw.
  4. Oregano –  Ang dahon ng oregano ay pwedeng gamitin pang gamot sa ubo. Magpakulo ng tubig at ilagay ang mga dahon ng oregano at lagyan din ng bawang, kunting honey at pwede na itong inumin.

Huwag i-baliwala kapag ang sakit na ito ay hindi parin humupa at maslalong lumala makaplipas ang dalawa hanggang sa tatlong linggo at dapat magpakunsolta na sa doktor upang ito ay maagapan kaagad. Hindi na dapat maghintay na ikaw ay lalagnatin na, may dugo na nahahalo sa plema at hindi kana makahinga at makatolog dahil sa komplikasyon.

Kredito sa larawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.