Paano Malalaman Kung Fertile ang Babae

Ang kakayahan kung paano malalaman kung fertile ang babae ay isang napaka importanting karunongan para sa lahat ng mga kababaihan.

Una sa mga ayaw munang magka-anak maiiwaasan mo ang pagkabalisa at pagkabahala kung kilala mo ang sarili at maiiwasan mo ang panganib ng maagang pagbubuntis.

Paano Malalaman Kung Fertile ang Babae

Pangalawa, para sa mga mag-asawang gustong magka-anak, ang pagkakaroon ng kaalaman kung kailang ang mga araw na fertile ang babae ay mahalaga upang makabuo kaagad ng sanggol.

Ang mismong katawan ng babae ang magbibigay ng malinaw na clues o mga palatandaan kung kailan mayabong o kailan fertile ang babae.

Ang mga sumusunod ay ang mga palatandaan kung paano malalaman kung fertile ang babae:

  • Kapag ikaw ay nireregla – Ang isang regular na menstruation cycle o pagreregla ay isa sa mga malinaw na palatandaan na ang iyong mga hormones ay gumagana ng maayos at naglalabas ng itlog bawat buwan. Paano maging regular ang menstruation? Isa sa mga katanungan ng mga babae na mayroong irregular periods. Ang regular na menstrual cycle ng isang babae ay kadalasang nangyayari kada 28 na araw, at pagreregla ng 3 hanggang 7 na araw. Ang mga mabisang paraan kung paano maging regular ang menstruation ay ang pag-iwas sa stress at sobrang bisi na wala nang panahon para mag relax, ang hindi pag inom ng mga contraceptive na tableta at pagkain ng mg masustansyang pagkain.
  • Nag obulasyon o ovulate ang iyong katawan – Obulasyon o ovulate ay isang proseso kung saan ang isang ganap na itlog o mature egg cell ay inilabas mula sa obaryo, patungo sa fallopian tube, at maaring nang i-fertilized ng sperm ng lalaki. Humigit-kumulang sa bawat buwan ay may isang ganap na itlog sa loob ng isa sa mga ovaries. Para sa mag-asawang gustong magka-anak, ang panahon ng ovulation ang pinkamabuti at mabisang panahon na makipagtalik o sex sapagkat sa panahong ito ay ang panahon kung kailan napakafertile ang babae at napakalaki ng tsansa na makabuo ng sanggol.

Kailan fertile ang babae?

Payo ng mga eksperto, 14 days o araw bago ang period ang mga pinakafertile na mga araw ng mga babae, Para sa mga babaeng merong menstrual cycle kada 28 na araw, ibigsabihin kaltasan mo lang ng 14, at para naman sa mga babaeng merong menstrual cycle kada 32 na araw ay kaltasan mo lang din ng 14 ang 32 at yun ang hanggang ika 18 na araw, Sa paraang ito ay nasagot din ang katanungan kung paano malalaman kung fertile ang babae, Pero kung ikaw ay may irregular cycle ay mahihirapan ka talagang alamin ito sapagkat wala kang araw na magiging basihan ng pagkaltasan mo ng 14 ka araw.

Kredito sa mga larawan at impormasyon.  🙂

3 thoughts on “Paano Malalaman Kung Fertile ang Babae

  1. Leseth Reply

    Ibig sabihin po ang ovulation day ko is may 19.. kapag nag sex kame ng ovulation day na yan malabo po ba na mabuntis o mabubuntis po ba.??

  2. Bernadeth Reply

    Good morning po. Nireregla po ako twing last week ng month after po nun next month first week naman ako rereglahin? Diko maintindihan kung papano ung paraan para magkababy?

  3. Rachelann Reply

    Goodafter po ! Tanung ko lang po 2monts na sya hnd nereregla ngayun po act17.2018 wala parin po
    Iiregular po sya ei ! Peru bkt ganun wala parin po ??

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.