Paano Gamitin ang Pregnancy Test Kit?

Ang artikulong ito ay para sa mga kababaihang sapalagay nila ay buntis sila at nagtatanong kung paano gamitin ang pregnancy test kit.

Ano at paano gamitin ang pregnancy test kit?

Ang pregnancy test kit ay isang maliit na bagay na kadalasan ay kulay puti at nabibili sa mga drug stores at botika. Ito ay ginagamit ng mga kababaihan upang malaman kung sila ba ay buntis at nagdadalang tao na. Sa pamamagitan ng paglagay ng patak ihi ng babae ay maari nitong malaman kung siya ba ay nagdadalang tao. Nag rere-act at natitiktikan ng pregnancy test kit ang hCG o hormone ng buntis na babae sa pamamagitan ng paglagay ng ihi nito.

Magkano ang Pregnancy test kit?

Mayroong napakaraming brands ng pregnancy test kit na tinitinda sa mga botika, pero wag mag alala sapagkat ang lahat ng brands na ito ay may iisang layunin. Yun ay ang pagdedetect ng antas ng hCG hormones sa iyong ihi.

Bago bumili ng pregnancy test kit sa mga botika ay suriing mabuti ang expiration date na nakasulat sa kahon at tiyakin na ito ay buo at walang pagkasira sapagkat ito ay makakaapekto sa resulta ng iyong pag gamit.

Maaring bumili kaagad ng dalawang pregnancy test kit upang masiguro ang resulta, lalo na kung sa unang subok mo ay nag negatibo ka.

Magkano ang pregnancy test kit? Ito ay mabibili sa halagang aabot sa 150 pesos lamang depende sa brand.

Kelan pwede gumamit ng pregnancy test kit o ilang araw bago gumamit ng pregnancy test?

Pwede mo nang gamitin ang pregnancy test kapag lumagpas kana sa araw na dapat sanay ikaw ay rereglahin na, halimbawa ay isang linggo na ang lumipas. Para mas lumaki talaga ang tsansa na tumpak ang resulta ay gamitin ito makalipas ang dalawang linggo ng hindi pag regla.

Pinakamabisang gamitin ang pregnancy test kit sa bahay ng umaga kung saan ang iyong ihi ay pinaka puro at ang antas ng hCG ay pinakamataas.

Bago gumamit ng pregnancy test kit, siguraduhing basahin ang tagubilin o instructions sa likod ng kahon upang malaman mo kung paano gamitin ang pregnancy test kit na iyong nabili.

Gabay kung paano gamitin ang pregnancy test kit

  1. Kumpletohin ang mga kagamitan: pregnancy test kit, drops at isang baso na maliit na disposable cups na pwedeng paglagyan ng ihi.
  2. Umupo sa toilet at ihi-an ng kaunti ang cups
  3. Gamit ang drops humigup ng ihi galing sa baso at ilagay sa test kit.
  4. Ilagay ang pregnancy test kit sa mesa o patag na lugar at maghintay ng 5-10 minuto para sa resulta.

Mga Resulta sa Pregnancy Test Kit

Pagkalipas ng 5-10 minuto ng paghihintay, tingnan ang resulta at pwede kang sumangguni sa gabay kung paano gamitin ang pregnancy test kit na nakapaloob sa iyong binili na test kit.

Positibong resulta ( Dalawang Linya ) – Malaki ang tsansa at maaring ikaw ay nagdadalang tao. Kung gusto mo talagang kumpermahin ay pwede kang pumunta sa doctor para sa mabigyan ng mas mabisang pagsusuri.

Negatibong resulta ( Isang Linya ) – Kung meron kang extrang pregnancy test kit ay pwede mo itong gamitin ulit kapag ikaw ay naiihi para masigurado na negatibo talaga. O di kaya ay maghintay ng isang linggo at kapag hindi parin ni regla ay mag test ulit.

Invalid na resulta (Isang linya sa TEST/walang linya) – Ganito ang lumalabas kapag invalid ang gamit mong pregnancy test kit, maaring ang kit na ito ay expire na o defective. Advisable na mag test ulit hanggang sa may resulta na mabuo na hindi invalid.

Para sa mag-asawang gustong magkaroon ng baby, basahin ang artikulo ito kung paano malalaman kung fertile ang babae upang magka idea kung kaylan dapat makipagtalik o sex sa asawa.

Kredito sa larawan at impormasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.