Mga Sintomas ng Diabetes at mga Senyales na Kailangan na Magpakonsulta

Ano ang mga sintomas ng diabetes at paano natin masasabi na may sakit tayong diabetes ?

Kadalasang maagang sintomas ng diabetes ay ang mataas na lebel ng glucose sa dugo. Ang mga maagang babala ay karaniwang hindi madaling mahalata, lalo na ang Type 2 Diabetes na kaso. Ang Type 2 Diabetes ay matagal mapansin at kung lalabas ang sintomas nito ay dahil na sa matagalang pinsala sa katawan. At ang Type 1 Diabetes na sintomas ay madaling mapansin sa loob ng 1 to 2 weeks at dahil kadalasang malala na ang mga sintomas nito.

Pangkaraniwan at Kadalasang Sintomas ng Diabetes

Ang dalawang uri ng diabetes ay may kaparehang maagang sintomas tulad ng:

  • Madalas na pagkagutom at pagkahapo – Kung ang katawan ay hindi na gumagawa o hindi sapat ang insulin o ang body cells ay hindi na tumatanggap ng insulin ay nagreresulta ng pagkawala ng enerhiya sa katawan. Ito ay nagdudulot ng hindi ordinaryong pagkagutom at pagkahapo.
  • Madalas na pag-ihi at pagka-uhaw – Ang tao ay normal na umiihi apat hanggang pitong beses sa loob ng isang araw, pero ang taong may diabetes ay mahigit pa sa pitong beses ang pag-ihi.
  • Madalas ng tuyong bibig at makating balat – At dahil ang katawan ay ginagamit ang tubig ng katawan dahil sa madalas na pag-ihi, magkakaroon ng pagkatuyo ng ibang parte ng katawan tuladd ng balat at bibig. Pag ang isang tao ay dehydrated, ang bibig at balat ang unang apektado, at kadalasan ang tuyong balat ay sobrang makati.
  • Paglabo ng mata – Ang pag-iiba ng lebel ng body fluids sa katawan ay magdudulot ng pagmaga ng lenses sa mata. Ang hugis ng mata ay nagbabago at nawawalan ito ng abilidad na magpokus.

Ibang sintomas ng Diabetes: Type 1

  •  Wala sa plano at mabilis na pagbaba ng timbang
  • Pagkahilo at pagsusuka – Kung ang katawan ay nagsusunog ng taba sa katawan, lumilikha ito ng ketones. Kung dadami ito dahil sa mataas na lebel ng sugar sa katawan at nagsusunog ng taba, maari itong tumaas sa napakadelikadong lebel at ang kondisyong ito ay tinatawag na diabetic ketoacidosis. Ang ketones ay nagsasanhi ng pagsama at sobrang pagsakit ng tiyan.

Ibang sintomas ng Diabetes: Type 2

Ang mga sintomas kay kadalasang lumilitaw kung ang gluscose ay palaging mataas sa mahabang panahon.

  • Yeast infections – Parehong babae at lalaki ay pwedeng makaranas nito. Ang yeast ay nabubuhay sa pamamagitan ng glucose, kaya ang pagtaas ng glucose ay madals magresulta sa pagkakaroon ng yeast infection. Ang impeksyon ay maaring lumitaw sa mainit, mamasa-masang parte ng balat tuald ng: pagitan ng daliri sa kamat at paa, ilalim ng suso, loob at labas ng ari ng babae at lalaki.
  • Mabagal na paghilom ng mga sugat – Kung matagal na ang diabetes, nagkakaroon na ng nerve damages, dahilan upang mahirap na para sa katawan ng tao para paghilumin ang mga sugat.
  • Pagsakit at pamamanhid ng paa at binti – Isa rin ito sa resulta ng nerve damage.

Kailan kailangang magpakonsulta sa doktor?

Kung ikaw ay 45 years old pataas at ang pamilya ay may history ng diabetes, maghalagang magpakonsulta ka sa doktor at magpasuri ng sugar sa dugo. Pag ang kondisyon ay maagang matuklasan, maiiwasang ang mga nerve damages, problema sa puso, at iba pang komplikasyon.

Ang pangkalahatang tuntunin na dapat kanang magpakonsulta:

  • Palaging masama ang tiyan, nanghihina, ay palaging uhaw na uhaw
  • Madalas na umiihi kaysa sa normal
  • Sobrang pagsakit ng tiyan
  • Ang paghinga ay kadalasang malalim at mabilis kaysa sa normal
  • May matamis na hininga at amoy nail polish remover (ito ay sintomas na mataas nag ketones mo sa katawan)

Hindi dapat matakot kung ikaw ay may mga maagang sintomas ng diabetes, magpakonsulta agad sa doktor at ipasuri ang dugo para maagapan at malunasan agad ang mga nararamdaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.