Larong Pinoy at Laro ng Lahi Para sa mga Bata

Marami ang mga larong pinoy at “laro ng lahi” na malapit nang makalimutan ng mga batang Pilipino. Ito ay dahil sa pagdating natin sa “computer at internet age” kung saan halos nasa loob nalang ng bahay ang ma bata at nanunuod nalang ng TV o naglalaro sa computer.

Kung ikaw ay pinanganak noong 80s-90s marahil ay alam mo halos lahat ng mga larong pinoy sapagkat sa panahong ito ay wala pang gaanong teknolohiya at ang tanging libangan ng mga bata ay ang paglalaro sa labas. Sa panahon ngayon ay bihira mo nalang makikita ang mga batang naglalaro ng mga tradisyonal na mga larong pinoy na ito.

Balikan natin ang mga iilang larong pinoy at laro ng lahi na karaniwang nilalaro ng mga bata noon:

Bahay-bahayan – Ang bahay-bahayan ay maaring laruin ng lalaki at babae sapagkat isa itong role playing game na kung saan may magpapanggap na nanay, tatay, at anak. Ginagamit ang mga kumot unan at mga upuan upang gawing bahay, at minsa naman ay gumagawa rin ng luto-an kung saan yung nanay ay pwedeng magluto.

Taguan – Ito ay hango sa larong Ingles na ang tawag ay Hide and Seek. Magandang maglaro nito sa mga lugar na maraming kubo, puno at matataas na halamanan. Kahit ilang tao ay pwedeng sumali, ang kailangan lamang ay may tukuyin na “taya”. Ang sinumang matukoy na taya ay siyang magbibilang ng hanggang 30 habang nakapikit at nakasandal sa puno na nagsisilbing home base. Habang ang taya ay nagbibilang, ang mga kalaro ay naghahanap ng kanya kanyang mapagtataguan. Pagkatapos magbilang ng taya ay hahanapin na niya ang mga nagtago. Ang bawat nagtago naman ay hahanap ng paraan upang makapunta sa home base nang hindi nakikita ng taya sabay sisigaw ng “save”. Maliligtas mula sa pagkataya ang sinumang makapunta dito nang hindi nahuhuli. Matatapos lamang ang laro kung ang lahat ng manlalaro ay nakalabas na sa pinagtataguan.

Palo sebo – Hindi makukumpleto ang pistang Pilipino kung walang Palo Sebo. Ang larong pinoy na Ito ay nilalaro sa pamamagitan ng pag akyat sa mahabang kawayan na nilagyan ng grasa na magsisilbing pampadumulas. Kinakailangan ang malakas at makapit na paghawak sa kawayan upang makaabot sa tuktok at makuha ang premyo. Sa mga lalawigan sa Luzon tanyag ang larong ito sapagkat maraming puno ng niyog (madalas gamitin sa larong ito) ang matatagpuan dito. Ang larong ito ay kabilang sa “laro ng lahi” ng mga pinoy.

Piko Game – halos lahat ng batang pinoy noon ay marunong mag piko, madaming klaseng piko, per may standard na piko, yung tatlo single steps at dalawa double steps at buwan . Kailangan mo ng bato or pinagbasagan plato bilang bato mo (ang tamang bigkas ay baa-to), ihagis mo ang bato mo sa steps at ikaw ay pumunta at bumalik sa base. Kailangan mo makumpleto ang lahat ng steps at kapag nakumpleto mo ang lahat ng steps ay may karapatan ka ng magka “bahay “ ang bahay ay sa pamamagitan ng paghagis patalikod sa piko at kung saan dadapo ang bato ay doon ang bahay mo (maliba lang sa buwan, sa labas at sa kaban) hindi pwedeng tapakan ng kalaro mo ang bahay mo, at dalawang paan naman ang pwede mong tuntungin sa bahay mo, kung hindi pa kayo naglaro ng piko game sa buong buhay nyo ay hindi kumpleto ang pagka bata nyo

Jack-en-poy – Sa Ingles, ang bansag dito ay Rock-Paper-Scissors. Ang larong pinoy na  ito ay naglalayong matalo ang bawat galaw ng kamay sa pagitan ng dalawang manlalaro. Halimbawa, talo ng gunting ang papel, talo ng papel ang bato at talo ng bato ang gunting. Hindi makukumpleto ang larong ito kung wala ang kantang “jack-en-poy, hali, hali hoy! Sino’ng matalo siya’ng unggoy! Kinahihiligan ito ng karamihan sa Maynila.

Luksong Baka – Sa larong ito, ang isang manlalaro ay tutuwad ng bahagya habang nakasuporta ang kamay nito sa kanyang tuhod. Ang mga kalaro ay lulukso sa itaas ng taya gamit lamang ang mga kamay. Kapag sumayad ang mga binti ng lumukso sa ibang parte ng katawan ng taya, siya ang papalit dito. Sa mga bukirin ng Pangasinan sikat ang larong pinoy na ito.

Teks – di na ata uso ang tex ngayon, ito ay parang isang maliit na baraha ngunit ibat iba ang naka printa sa harap at kulay grey na papel ang likod, ito ay usong uso sa amin, ito ay parang sugal, na may mga maliliit na card na may nakalagay na illustrations sa isang pelikula, cartoon karakter na sina voltes 5 at mazingger z, o kaya mga pelikula ni FPJ. Parang kara o cruz kung sino ang nagiisang kakaiba sa pagtapon ng tatlong baraha ito ang panalo.

Siyato – Kung tatanungin mo ang mga bata sa Visayas tungkol sa larong Pitiw (syato), ay kilalang kilala nila ito. Dalawang manlalaro ang maglalaban dito. Kailangan ng bawat isa ang maikling patpat upang magsilbing pamato at mahabang patpat para gawing panghampas nito. Ang maikling patpat ay pumapagitna sa dalawang bato o home base at ang unang maglalaro ay ihahagis ito pataas sabay hataw dito gamit ang mahabang patpat hanggang sa maipalo palayo mula sa home base. Ang napalayong patpat ay pupuntahan ng naghagis at uulitin ang unang ginawa. Titigil lamang ito kung hindi natamaan ang kahoy habang nasa hangin. Ibabalik ito ng manlalaro habang sumisigaw ng “siyato” pabalik sa home base. Kung hindi nakasigaw ng “siyato” ay uulitin nito ang paghagis at paghataw.

Patintero – isa sa mga sikat na laro noong kabataan ko, ang kailangan mo lang ay isang malaking espasyo katulad ng kalsada at mga 8-10 na katao, at dahil kailang group ang maglalaro nito masaya at puro katatawanan lang ang nangyayari dito, hindi ko makakalimutan ang mag laro namin ng patintero sa kalsada.

Luksong Lubid – Ang larong pinoy na ito na binubuo ng tatlo o higit pang manlalaro ay simple lamang na kahit pinagdugtong dugtong na goma ay maaari nang gamitin. Sa larong ito lumulukso ang bawat manlalaro habang pabilis nang pabilis ang ikot ng tali o ng pinagdugtong na mga goma. Kapag tumama ang tali sa paa ng lumulukso, dahilan upang matigil ang pagikot nito ay siyang papalit naman ang ibang manlalaro. Isa pang uri ng luksong lubid ay tinatawag na Chinese Garter. Sa larong pinoy na ito, tatlo o higit pang manlalaro ang maaaring sumali. Gamit ang garter, lulukso lamang ang bawat manlalaro ngunit hindi tulad ng sa naunang uri, ang garter ay pataas ng pataas: mula sa bukong bukong hanggang sa itaas ng ulo. Kapag matatangkad naman ang iyong mga kalaban at may mahaba kang binti ay malaki ang tsansa ng pagkapanalo. Madalas itong makitang nilalaro ng mga bata sa makikipot na kalye ng Tondo, Manila.

Trumpo – Sa madaling pagsasaliksik ng larong  pinoy na trumpo, makikita mo muna ang sikat at hinahangaang palabas noong 90s. Ito ay pinamamagatang “Tropang Trumpo” na pinagbibidahan nina Ogie Alcasid, Michael V, Gellie De Belen at Carmina Villaroel. Ang nakakatawang palabas na ito ay handog sa larong trumpo. Sa salitang banyaga, tinatawag din ang larong ito bilang Spinning Top sa Ingles, Spun Tsa Lin sa Intsik at Koma Asobi sa Hapon.

Dalawang mahalagang gamit ang kinakailangan upang makapaglaro nito. Una ay ang gawa sa kahoy na hugis ng tulad sa acorn na mayroong pako na nakabaon ang ulo mula sa kahoy at ang pangalawa, isang mahabang lubid na magpapaikot sa kahoy na may pako. Sa oras na mapakawalan na ang kahoy mula sa lubid, marapat na maglaan ng sapat na espasyo ang manlalaro upang magpaikot ikot ito sa iba’t ibang direksyon.

Mahilig maglaro ng trumpo ang mga batang lalaki sa Lanao del Sur. Nasa kanilang lugar rin nagmula ang pinakamalaking trumpo sa Pilipinas; tinatawag itong Batige.

Kredito sa mga impormasyon at larawan:

akoaypilipino.eu
kritikongkiko.wordpress.com
fil.wikipilipinas.org

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.