Impormasyon: Ano ang Breast Cancer

Ano ang breast cancer o kanser sa suso o dede o mas kilala natin sa tawag na breast cancer ay isang uri ng cancer nag sisimula sa loob mismo sa selula ng suso ng isang tao.

Ang kanser sa suso ay isa sa mga pinakadilikadong sakit ng babae sa boung mundo. Sa lahat ng nagkasakit at namatay dahil sa kanser ma babae man o lalaki, 18. 2% percent nito ay dahil sa breast cancer. Kadalasang laganap ang kanser sa suso sa mga bansang mahihirap kumpara sa mga mayayamang bansa. Karamihang natatamaan naman ng sakit na ito ay ang mga babaeng may edad na. Sa bansang Amerika, taun taon halos 230,000 na mga babae ang na diagnose nito at 40,000 nito ang namamatay.

Anu-ano ang mga SINTOMAS NG BREAST CANCER?

Ang kadalasang unang natutuklasan ng pasyente ay ang pagkakaroon ng pamamaga at bukol sa bahagi ng suso na kadalasan ay masakit kapag ito ay hinahawakan.

ANG MGA SUMUSUNOD AY ANG MGA SENYALES AT SINTOMAS KUNG PAANO MO MALALAMAN KUNG MAY BREAST CANCER KA:

  • Paninigas at pamamaga ng bahagi ng suso
  • Pagbabago sa hugis ng suso at utong; paglubog ng utong
  • Bukol o pamamaga sa may bandang kilikili
  • Pamumula sa bahagi ng suso
  • Bukol na parang lumps o bugal sa loob ng suso
  • Hindi pantay ang magkabilang suso
  • Likido na lumalabas sa utong

Ano ang breast cancer: Mga dahilan, rason o sanhi ng pagkakaroon ng kanser sa suso

Kanser Sa Suso

  • Edad – Kadalasang tinatamaan ang mga may edad nang mga babae lalo na pagkatapos mag menopause
  • Genetika o namamana – Mas Malaki ang tsansang magkaroon ng breast cancer kung may kasaysayan sa pamilya ang nagkasakit nito
  • Karanasan sa breast cancer – mga survivor ng breast kanser ay may tsansa na ito ay magbalik
  • Bugal o lumps sa suso – Ang mga bugal sa suso ng isang babae ay maaring magdebelop at maging kanser
  • Labis na katabaan – Malaki ang tsansa nang mga babaeng nasa post-menopausal at sobra ang timbang ang magkakaroon nito.
  • Pag inum ng alak
  • Pagkakalantad sa radyasyon

Mga remedyong gamot na makikita sa bahay na maaring inumin o kainin para maiwasan ang breast kanser:

  • Bawang
  • Ubas
  • Wheatgrass
  • Green Tea
  • Vitamin D
  • Soybean
  • Olive Oil
  • Calcium

Ang pagkakaroon ng kaalaman kung ano ang breast cancer o kanser sa suso ay isang mahalagang bagay para sa lahat ng kababaehan. Gaya nga ng kasabihang “Ligtas ang may-alam”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.