Gamot sa Tonsil na Nakakawala ng Boses

Ang sakit sa tonsil o tonsillitis ay isang kondisyon kung saan namamaga ang tonsil ng tao. Karawinang acute ang kondisyon ng tonsillitis, pero ang iba ay maaring magkaroon ng chronic at recurring tonsillitis.

Kung ang tonsillitis na iyong dinaramdam ay virus o bacteria ang sanhi, mayroong mga gamot sa tonsil na makikita lang sa bahay na pwedeng maging remedyo para maging komportable at mabilis ang paggaling.

Kung ang sanhi ng tonsillitis ay virus, ang mga gamot sa tonsil o remedyong ito lamang ang tanging pwedeng ibigay. Ang doktor ay hindi magbibigay ng antibiotics para gamot sa tonsil na virus ang sanhi. Mawawala na ang tonsillitis sa loob ng 7 hanggang 10 na araw. Ang karaniwang sintomas ng tonsillitis ay sore throat, pagsakit ng loob ng tainga, pag-ubo, lagnat at mahirap na paglunok.

Walang direktang mabisang gamot sa tonsillitis, karaniwang nawawala ito pagkatapos ng isang lingo. Habang naghihintay na mawala ang impeksyon, may mga maaring gawin para maibsan ang sakit na dinaramdam dahil sa tonsillitis.

Maari kang bumili ng painkillers gaya ng paracetamol, ibuprofen at acetaminophen. Kung bata ang pasyente, siguraduhing tama lang ang dosage at tamang klase ng painkillers ang dapat inumin.

Ang mga batang edad 16 years pababa ay dapat hindi painumin ng aspirin.

May mga mabibiling lozenges at oral sprays para pampapawi ng sore throat. Maari ring bumili ng mild antiseptic oral solution para imumog para sa sore throat. Isang alternatibo rin ang pagmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Ihalo ang kalahting kutsarita ng asin (2.5 grams) sa isang baso o 8 ounces na tubig. Imprtanteng hindi malunok ang tubig na may asin, at ang remedyong ito ay maaring hindi angkop para sa mga bata.

Isa ring alternatibo pampahupa ng sakit sa lalamunan ay lemon, ito ay may sangkap na antiviral, antibacterial at anti-inflammatory. At marami rin itong vitamin C content na makaktulong sa resistensya sa pasyente sa mga impeksyon. Sa isang baso ng maligamgam na tubig, pigain ang isang lemon, at dagdagan ng konting honey. Uminon ng tatlong beses sa isang araw. Pwede ring dagdagan ng konting asin at paminta para sa ubo.

Ang turmeric ay maari ring paglunas sa sakit sa lalamunan. Maglagay ng isang kutsarita ng turmeric powder sa isang baso ng mainit na tubig. Imumog ito ng tatlong beses sa isang araw.

Maaring ang Antibiotics ay hindi ireseta ng doktor para gawing gamot sa tonsil kahit ang sanhi ay bacteria, dahil sa dalawang dahilan:

• Sa karaniwang kaso ng tonsillitis, ang antibiotics ay hindi naipapadali nito ang paggaling, at maaring magkaroon ng di magandang side effects tulad ng pagsakit ng tiyan, diarrhea, at rashes.

• Sa palagiang paggamit ng antibiotics sa hindi seryosong bacterial infection ay nagreresulta ng hindi pag-epekto ngantibiotics sa malalang impeksyon, ang kondiston na ito ay tinatawag na antibiotic resistance.

Ngnit may mga eksepsyon at dapat bigyan ng antibiotics pang gamot sa tonsil kung:

• Ang sintomas ay malala
• Ang sakit ay hindi humuhupa
• Ang pasyente ay mahina ang immune system

Kung malala na at hindi humuhupa ang tonsillitis, magpakonsulta na sa doktor para sa mas angkop na lunas. Maaring kailangang nang hospital treatment kung lumalala at hindi humuhupa ang sakit na tonsillitis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.