Calendar Method Tagalog: Impormasyon

Ano ang paliwanag ng calendar method tagalog? Ang calendar method o kilala rin sa tawag na rhythm method ay isang natural at likas na pamamaraan upang maiwasan ang pagkabuntis ng babae sa

pamamagitan ng pag-alam kung kailan fertile ang babae at kung kaylan hindi. Ang calendar method ay nakakatulong upang malaman kung kaylan nag obulasyon o ovulate (paglabas ng itlog galing sa obaryo papunta sa fallopian tube) ang isang babae. Sa panahong ito kasi pinakafertile ang babae at dapat iwasan ang pakikipagtalik o sex sa mga araw na ito.

Ginagamit din ito ng mga mag-asawang nag family planning at ayaw gumamit ng mga pills at iba pang contraceptives.

Paano gamitin ang calendar method at paano malalaman kung fertile ang babae?

Para lumaki ang tsansa ng pagka epektibo ng calendar method ay subaybayan ang haba ng pagreregla sa loob o mga nagdaang 6-12 buwan at kunin yung karaniwan o average na haba ng araw bago ka rereglahin ulit.

Kapag ikaw ay nereregla kada 28 ka araw, halimbawa ang unang araw ng dalaw mo ay Pebrero 1.

  • Pebrero 1-10 (panahon ng may dalaw o regla, ito ay “safe” sapagkat hindi fertile ang babae)
  • Pebrero 11-18 (panahon kung kailan fertile ang babae “hindi safe” / iwasan ang hindi protektadong pakikipagtalik)
  • Pebrero 19-28 (“safe” at hindi fertile ang babae/ pwedeng makipagtalik o sex sa asawa)

Advantage ng calendar method:

  • Ito ay naptunayan na
  • Ito ay libre
  • Ito ay pwedeng gamitin ng mga babae na may regular na dalaw o menstruation cycles para sa family planning
  • Hindi na kaylangan uminum at gumamit ng mga contraceptive
  • Walang side effect sapagkat walang contraceptive na nagamit

Disadvantages ng calendar method:

  • Delikado para sa mga kababaihang may irregular menstrual cycle
  • Delikado para sa mga magmenopause na
  • Halos 90% lang ang pagka epektibo nito kompara sa ibang pamamaraan ng family planning
  • Maaring magkasakit ng HIV, STD at AIDS sapagkat hindi ito protektado

Ang calendar method tagalog na ito ay makakatulong para sa mga mag-asawang ayaw gumastos ng pera para bumili ng mga contraceptives. Ang mga impormasyon sa taas ay mga gabay lamang at hindi pwedeng maging gawing pamalit sa tugon ng inyong mga doktor. Mas mabuting mag punta sa mga centers sa inyong lugar upang mas lalong malaman at maintindihan kung ano ang calendar method para sa mabisa at epektibong family planning.

One thought on “Calendar Method Tagalog: Impormasyon

  1. Alma Reply

    Paano kung ang haba ng regla ay 7 days pano mallman na fertil ang babae.at anong mga petsa n pwede magtatalik para nabuntis.

    Pkisagot pls

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.