Bakit Nakakatakot Magkaroon ng Sakit sa Puso?

Ano ang sakit sa puso?

Ang mga taong inaatake sa puso ay may kundisyon kung saan ang daanan ng dugo patungo sa kanilang puso ay nabara at napipigilan nito ang pagdaloy ng dugo,oxygen at nutrisyon papasok at palabas sa puso. Ang sakit sa puso ay nakakatakot na sakit sapagkat pwede kang atakehin nito anomang araw, oras at saan mang lupalop ka ng mundo.

Ano ba ang nangyayari kapag ikaw ay inaatake sa puso?

Ang ating  puso ay binuboo ng  laman at nangangailangan ito ng patuloy na supply ng dugo at oxygen upang gumana ng maayos. Ngunit kapag tayo ay naging abusado sa ating katawan ang mga daanang ito ay mangsisikip kaya magiging iregular na ang pagtibok ng ating puso at dahil sa hindi ka parin natuto at inabuso mo parin ang katawan mo ay  masasara ang daloyang ito. Sa panahong magsara ito at hindi na makadaan ang oxygen at dugo papasuok o palabas man ay siguradong aatakehin ka talaga sa puso. Ang nakakatakot lang ay isa itong traydor na sakit, na bigla-biglaan nalang umaatake.

Sino-sino ba ang madalas tinatamaan ng sakit sa puso?

Lahat ng tao ay may tsansang  tamaan ng sakit sa puso ngunit ang mga taong kadalasan talagang tinatamaan ng sakit sa puso ay ang mga taong abusado sa katawan.

Sila yong mga taong malakas uminom at manigarilyo, sobra-sobra ang timbang o obese, mga taong hindi nag eehersisyo, malakas kumain ng matatamis at junk foods, atbp.

Ang mga sumusunod din ay kadalasay malamang matatamaan din ng sakit sa puso:

  • Dala ng pagtanda, ang lalaki ay kadalasang lumalaki ang tsansa na tamaan sa edad ng 45 at ang babae naman ay 55 pagkatapos mag menopos.
  • Hereditary o namamana sa magulang ang sakit sa puso.
  • Mga taong may highblood o altapresyon
  • Mga taong diabetic

Ano-ano ang mga sintomas ng pagkakaroon ng sakit sa puso?

  • Madalas na pananakit at parang naninikip ang iyong dib-dib kapag humihinga
  • Iregular ang pagtibok ng puso na kadalasay isang sinyales din ng paglaki ng puso o heart enlargement
  • Mabilis mapagod at parang nawawalan ka ng hininga na parang hinihingal palagi kahit wala ka namang ginagawa
  • Pinagpapawisan kahit na malamig ang panahon na minsay isang sinyales din na aatakehin ka sa puso
  • Hindi pangkaraniwang lakas ng hilik kapag natutulog

Ano ba ang gamot upang maiiwasan at mapigilan ang pagkakaroon ng sakit sa puso?

Maaring hindi mo alam kung kaylan ka aatakehin sa puso pero ayon sa mga eksperto may mga paraan tayo upang maiwasan at mapigilan ang pagdating nito.

  • Huwag manigarilyo o di kaya ay lumapit sa mga taong naninigarilyo baka ikaw ay makalanghap ng usok na galing sa kanila.
  • Iwasan ang pag inum ng alak sapagkat itoy nakakatrigger na ikaw ay magkaroon ng altapresyon
  • Iwasang ang pagkaing maraming kolesterol lalo na ang mga mantikaing pagkain.
  • Limitahan ang pagkain ng sobra-sobra at panatilihing hindi maging overweight para sa iyong edad.
  • Pagkagawian ang pag-ehersisyo araw-araw at ilabas ang pawis sa katawan.
  • Iwasan ang pagka stress at matulog sa tamang oras.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.