Ano ang Global Warming?

Sa panahon natin ngayon, dapat alam ng bawat isa kung ano ang global warming at epekto ng global warming upang sa gayuy ito ay masolusyonan. Ano ang global warming? Ito ay ang unti-unti pagtaas sa ang pangkalahatang temperatura ng atmospera ng mundo at maiugnay ito sa greenhouse effect na dulot ng paglaki ng mga antas ng carbon dioxide, chlorofluorocarbons, at iba pang pollutants.

In short, ang global warming ay ang dahan-dahang pag taas ng temperatura ng mundo.

Ano ang global warming at greenhouse effect?

Ang kahulugan ng greenhouse effect ay ang pagpasok ng enerhiya o init ng araw sa mundo.

Paano nakaapekto ang greenhouse effect sa global waming? Dahil sa carbon dioxide, chlorofluorocarbons at iba pang mga pollutants na kadalasang gawa ng tao ay nagiging parang kumot ito na bumabalot sa ating mundo kung saan pinipigilan nito ang paglabas ng enerhiya o init ng araw papuntang kalawakan. Ito ang dahilan kung bakit ang mundo ay maslalong umiinit, patuloy na na trap ang init dahil patuloy din ang pagdami ng pollutants sa atmosphere.

Epekto ng global warming?

Ano ang epekto ng global warming sa mga tao at sa ating mundo?

  • Epekto ng global warming sa mga tao – Dahil sa pagbabago ng klima at lalong pag-init ng mundo ang kalusugan ng tao ang unang maapektohan nito. Dahil sa init maaring magkaroon ng pabalik-balik na pag ubo at sipon, heatstroke, skin cancer at iba pang sakit na naidudulot nito.
  • Epekto ng global warming sa mundo – Kung alam mo kung ano ang climate change ay maiintindihan mo ang mga epektong naidudulot nito sa mundo. Maraming maging epekto ang global warming sa mundo, isa na dito ang paglaki ng mga karagatan dahil sa mga natunaw na mga yelo sa malalamig na lugar. Pagdagsa ng maraming bagyo, pagkamatay ng mga ibat-ibang uri ng hayop, at pagkalat at pagkadiskubri ng mga panibagong sakit dulot ng matinding init.

Ano ang mga dahilan at sanhi ng global warming

Pagtaas ng antas ng co2 sa mundo – ang pagdami ng mga sasakyan at mga industriya ang sanhi kung bakit tumataas ang antas ng co2 sa mundo.

Pagputol ng mga punong kahoy – ang deforestation o pagputol ng mga punong kahoy upang gamitin gawing mga gusali, pagmimina at iba pa ay isa rin sa mga dahilan ng global warming. Maslalong dumadami ang co2 dahil wala nang punong kahoy na pumipigil ng pagdami nito.

Paglaki ng populasyon sa mundo – Ang patuloy na pagtaas ng bilang ng populasyon sa mundo ay ang pinakasanhi sa global warming sapagkat sa patuloy na pagdami ng tao, dumadami rin ang demand ng pagkain, housing, gusali, kalsada, sasakyan at iba pang mga bagay na patuloy na sumisira sa inang kalikasan.

Solusyon at lunas para sa global warming?

Ngayon na alam mo na kung ano ang global warming, alamin naman natin ang mga pamamaraan kung paano ito mapigilan. Ang global warming ay maari nating labanan sa pamamagitan ng pag gawa ng mga simpling bagay sa ating bahay.

  • Suportahan at makialam sa mga usapin ukol sa global warming
  • Magtanim at lumahok sa mga tree planting activities
  • Huwag magtapon ng basura kahit saan at ugaliing mga recycle ng mga kagamitan
  • Magtipid sa kuryente
  • Magtipid ng tubig
  • Bumili ng green cars o di kaya ay magbisikleta nalng papuntang trabaho o school

Kredito sa larawan.

2 thoughts on “Ano ang Global Warming?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.