Ano Ang Bagyo?

Ano ang bagyo? Ang bagyo ay isang malaking unos na mayroong isang pabilog o spiral sistema ng marahas at malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan, karaniwang daan-daang kilometro o milya sa diameter ang laki. Ang pagdagsa ng maraming bagyo ay maaring  epekto ng climate change o pagbabago ng klima.

Paano nabubuo ang bagyo?

Ano ang paliwanag kung paano nabubuo ang bagyo? Kadalasang nabubuo ang bagyo sa gitna ng karagatan kung saan ang mainit at malaming na hangin ay nag tatagpo. Ang warm air ay isang water vapor o mainit na hangin na nag-evaporate dahil sa init ng dagat at habang itoy umaakyat nagkakaroon ng low pressure are (LPA) sa paligid. At dahil sa low pressure na nabuo sa paligid, na-a-atract nito ang iba pang malamig sa hangin sa ibang lugar hanggang sa ang malamig na hangin ay iinit din at bubuo ng mga ulap.

Tandaan na ang direksyon ng malamig na hangin ay pababa at ang mainit na hangin ay pataas.
Ang namumuong mga ulap ay unti-unting lalaki dahil sa init ng patuloy na pag evaporate ng tubig galit sa dagat. Habang namumuo at nagdidilim ang mga namuong ulap na ito ay nagkakaroon ito ng spiral o paikot nap ag galaw dahil sa rotation o ikot ng ating mundo.

Ano ang mata ng bagyo?

Ang “mata” ng bagyo ay ang gitnang bahagi ng namumuong ulap o bagyo. Sinasabing ang mata ng bagyo ay isang kalmadong lugar dahil isa itong low pressure area. Sinasabing walang malakas na hangin sa mata ng bagyo dahil sa tinatawag natin na coriois force na naglilihis ng mga malakas nahangin nito sa gilid.

Ano ang kaibahan ng TYPHOON, HURRCANE at CYCLONE?

  • Ang TYPHOON ang tawag sa bagyo na namumuo sa PACIFIC OCEAN
  • Ang HURRICANE ang tawag sa bagyo na namumuo sa ATLANTIC OCEAN
  • Ang CYCLONE ang tawag sa bagyo na namumuo sa INDIAN OCEAN

Ito ang mga dahilan kung bakit typhoon at hindi hurricane o cyclone ang ginagamit na termino sa mga dumarating na bagyo sa Pilipinas. Kadalasa’y sa Pacific Ocean galing ang mga bagyo na tumatama sa atin dahil katabi lang natin ang karagatang ito.

Paano nasusukat ang lakas ng bagyo?

Base sa lakas ng hangin na dala nito ay nasusukat ang lakas ng isang bagyo o storm signal na inilalabas ng PAG-ASA. Ang mga sumusunod ay ang mga kategorya ng mga lakas ng bagyo.

SIGNAL # 1: 30-60 kph
SIGNAL # 2: 60-100 kph
SIGNAL # 3: 100-185 kph
SIGNAL # 4: 185+ kph

Dahilan at sanhi kung bakit Madalas bagyuhin ang Pilipinas?

Taun-taon umaabot sa 20 hanggang 25 na bagyo ang tumatama sa Pilipinas. Ito ay sa kadahilanang katabi lang natin ang Pacific Ocean at dito madalas namumuo ang maraming low pressure area.

Ano ang mga dumaang mga bagyo sa Pilipinas na bahagyang naminsala

Bagyong Ondoy

Noong 2009, ang bagyong Ondoy (international na pangalan “Ketsana”) ay nagdala ng napakalaking pag-ulan at sanhi ng malubhang pagbaha sa Luzon, lalo na sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan. Sa loob lamang 9 oras, ang bagyong Ondoy ay nagdala ng tubig ulan na katumbas ng isang buwan ng pag-ulan. Ang bagyong Ondoy ay tumagal lamang ng iilang araw, ngunit ang pagbawi mula sa mga ito ay matagal, mahirap at masakit para sa mga pamilyang na apektohan nito. Aabot sa 900,000+  pamilya ang mga nasalanta at namatayan ng 400+ ka tao. 23 na mga probinsya kasali ang metro manila ang nasalanta ng bagyong ondoy at ang pinsala nito ay aabot sa halagang 11 bilyon pesos.

bagyong yolanda

Bagyong Yolanda 

November 8, 2013 nang dumagsa at dumaan ang super bagyong Yolanda sa gitnang bahagi ng Visayas. Ang bagyong Yolanda ay maylakas na 195 milya/oras na may dalang 13 feet na storm surge. 16 milyon ka tao ang naapektohan ng bagyong Yolanda at aabot ang patay sa halos 6,000 ka tao. Ang bagyong yolanda ang pinakamalakas na bagyo na dumagsa sa Pilipinas noong taong 2013.

Kredito sa mga larawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.