Alamin Ang Pinakamabilis, Epektibo at Mabisang Gamot sa Buni

Maraming tao ang naghahanap ng mabilis, mabisa at epektibong gamot sa buni. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ang buni ay madali lamang lunasan ng mga mabibiling gamot sa botika at mga natural na lunas sa bahay.

Ang buni ay isang klase ng fungal infection na maaring makuha ng kahit sino. Ang ringworm ay isa sa pinaka-common na fungi-caused na sakit sa balat. Ang human dermatophytes na karaniwang nasasalin tao sa tao ay ang pangunahing sanhi ng ringworm infection o buni.

Ang mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng buni:

  •  Direktang paglapat ng ringworm sa pamamagitan ng hayop sa bahay na may ringworm infection at lupang may ringworm;
  • Nakatira sa mainit at maalinsangang klima living in a warm, humid climate;
  • May mahinang immune system (na dahil sa pagkakaroon ng HIV/AIDS, cancer, chemotherapy, diabetes, o  ibang sakit);
  • Mga atleta na may direktang kontak sa katawan ng ibang atleta, katulad ng wrestling
  • Mga taong madalas pawisan na nagsusuot ng masikip na damitg;
  • Paggamit ng pampublikong liguan at palikuran; at
  • Paggamit sa higaan, tuwalya, damit ng mga taong may buni.

Sintomas at Sinyales ng Pagkakaroon ng Buni sa balat

Ang buni ay kadalasang lumilitaw na pulang marka sa balat, na kadalasang mabilis lumaki at pormang bilog. Karaniwan ang gitna ng buni ay magaspang at tuyo, o mamasa-masa, makati at mahapdi. Ang sukat ng rashes ng buni sa balat ay kadalasang nasa 4 o 5 sentimetro. Ito ay karaniwang lumalabas at nakikita sa may tiyan, singit, paa, braso at kamay, leeg, at mukha.

Mabilis at mabisang mga Lunas para sa Buni

Ang pinakamabilis na lunas para sa buni ay ang mga nabibiling antifungal cream at sabon sa botika at hindi na kailangan ng reseta ng doctor upang makabili nito. Ang mga cream at sabon na may zinc oxide, benzoic acid, sulfur, salicylic acid, clotrimazole, ketoconazole at iba pang antifungal na gamot ay ang pinakambisang pamatay ng buni. Sa Pilipinas, ang karaniwang brand ng mabisang antifungal na gamot ay

  •         Nizoral Cream
  •          IPI Whitfield’s Ointment
  •          Canesten
  •          Candiva
  •          Lamisil Cream
  •          IPI Sulfur Ointment
  •          Dr. S. Wong’s Bioderm Ointment

May Iba’t-ibang instruksiyon ang nakasulat sa bawat gamot sa buni na nakalista sa itaas, basahing mabuti ang nasa pakete kung paano at gaano kadalas ito gamitin. Napakahalaga na isanguni sa doktor ang iyong problema kung ang buni ay hindi nawawala pagkatapos ng dalawang lingo o mahigit simula ng paggamit ng mga nabibiling gamot sa botika.

Kung ikaw ay hindi kumportableng bumili ng gamot sa buni, ang mga sumusunod ay ang mga lunas na pwedeng sa bahay lang makita at gawin:

1.      Bleach – Ito ay karaniwang ginagamit pangtaggal ng dumi at mansta sa damit, at ito ay rekomendado na home cure para sa fungal infections. Ito ay epektibo na pamatay sa fungus, at ang resulta ay karaniwang nakikita kaagad sa loob ng isa or dalawang araw. Pero dapat tandaan na ang bleach ay hindi pangunahing ginagamit para ilapat sa balat, kuko at buhok ng tao. Ito ay delikadong gamitin kung sobra ang paglagay nito sa balat, maari itong makasanhi ng iritasyon, sunog at peklat sa balat.

2.      Tea Tree Oil – Ito ay matagal nang ginagamit na panglunas sa maraming sakit katulad ng ubo at sipon, sugat, at mga problema sa balat. Ang oil na ito ay may sangkap na  antimicrobial, antibacterial, antifungal and antiseptic na higit na kailangan para madaling malunasan ang mga sakit sa balat tulad ng buni.

3.      Garlic o Bawang – Ito ay herbal na gamot na may antiseptic, antibiotic, antimicrobial at antifungal na sangkap na mabisang panglaban at pwedeng gamiting gamot sa buni.  Paano gamitin ang bawang upang gawing gamot sa buni? Kumuha ng kalahating piraso ng bawang, durugin ito at ilagay ang katas ng bawang sa apektadong balat, patuyuin at ibalot ng bandage. Gawin ito dalawang beses sa isang araw. Maari rin itong gamitin para sa mga hayop na may ringworm infection. Ang paraang ito ay epektibo ngunit ito rin ay nakakapaso kung masosobrahan at matagal rin itong umepekto kung malala na ang buni.

Laging tandaan na kung ang buni o impeksyon sa balat ay hindi gumagaling pagkatapos gumamit ng mga gamot at ibang lunas, ikonsulta agad sa mga eksperto or doktor sa balat ang problema para hindi na lumala at mabigyan agad ng angkop na lunas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.