Kaalaman Kung Paano Agapan ang Mabahong Hininga

Maraming tao ang nagdurusa at namomroblema dahil sa pagkakaroon ng mabahong hininga o “halitosis” o bad breath na kadalasan ay nagmula sa gilagid at dila.

Ang pagkakaroon ng mabahong hininga ay isang nakakahiyang kondisyon na dapat maagapan kaagad.

Paano malalaman na ikaw ay may mabahong hininga?

Ang isang pangunahing problema sa pagkakaroon ng mabahong hininga ay ang ikaw sa sarili mo ay hindi mo alam na mabaho pala ang hininga mo at tanging ang taong mga nakakausap mo ang nakakapansin lang. Kaya nakakahiya talaga ang sakit na ito at dapat bigyang lunas kaagad.

Para malaman kung mabaho ba ang iyong hininga ay subokan mong tanungin ang taong malapit sayo at palagi mong nakakasalimoha, nakakahiya man ay kailangan mo itong gawin para sa sarili mo.

Ano ang mga dahilan at kailan kadalasan mabaho ang iyong hininga?

  • Mikrobyo at bakterya na nagmula sa mga tira-tirang pagkain na naipon sa bibig.
  • Pagkabagong gising sa umaga ay kadalasan mabaho ang hininga. Nawawala naman ito kaagad pagkatapos mong magmumog ng tubig at kumain ng umagahan.
  • Ang paghinga sa bibig at hindi sa ilong ay kadalasang dahilan ng pagkatuyo ng bibig na dahilan rin ng pagkabaho ng hininga.
  • Pag-inom at paninigarilyo ay isa rin sa dahilan ng mabahong hininga.
  • Ang pag-aayuno ay isa rin sa dahilan sapagkat walang laman ang sikmora at isang kemikal na tinatawag na ketones ang lumalabas sa hininga kapag ikaw ay nasusunogan ng taba sa katawan.

Anu ano ang mga paraan at gamot o lunas upang matanggal ang mabahong hininga?

1.       Mag sipilyo ng ngipin at least dalawang besis sa isang araw.

2.       Mag dental flos upang matanggal ang mga dumi sa gilid gilid ng ngipin na hindi natatanggal sa pagsisipilyo.

3.       Ugali-ing daanan ng sipilyo o kaskasin ang ibabaw at ilalim ng dila na kadalasay nakakligtaan sap agsisipilyo.

4.       Gumamit ng pangmumog o mouth wash kung kinakailangan.

5.       Itigil ang paninigarilyo at pag-inom ng alak sapagkat isa ito sa mga bagay na nagpatutuyo ng bibig na at lumilikha ng bakterya na maaring mangamoy.

6.       Kumain sa tamang oras, kadalasan bumabaho ang hininga kapag hindi ka nakakain at walang laman ang iyong sikmora.

7.       Uminom ng maraming tubig upang mapanatili ang  tamang pagkabasa at maiwasan ang pagkatuyo ng bibig.

8.       Ugali-ing makipag usap sa ibang tao at wag palaging naka tikom ang bibig buong araw.

9.       Pumunta ng regular sa iyong dentista upang mapanatili ang kalinisan ng bibig at mga ngipin.

Mabisang Gamot sa Sore Eyes

Ang allergies at mga impeksyon sa mata ay maaaring parehong maging sanhi ng pamumula, pangangati at parang may buhangin sa loob ng mata. Madalas itong napapabayaan dahil hindi mo alam ang mga mabisang gamot sa sore eyes at dahil dito maaring makaramdam ka ng pagod at bigat sa iyong mga mata at mahihirapan kang panatilihin itong nakabukas.

Mga sinyales at sintomas na ikaw ay may sore eyes:

Mabuting malaman kaagad ang mga sintomas at sinyales habang maaga pa upang malaman kaagad kung ano ang mga gamot sa sore eyes at maagapan na nang hindi na lumala.

• Pamumula ng kaliwa at kanang mata na maaring magsimula muna sa isa
• Mahapdi kapag nahahanginan o di kaya ay pag natapat sa araw
• Magaspang na parang may buhangin sa loob ng mata
• Pahirapan sa pagbukas ng mata galing tulog lalo na sa umaga
• Likido na parang luha at palaging may muta na lumalabas sa mata

Mga dahilan ng pagkakaroon ng sore eyes:

Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng sore eyes ang isang tao. Pinakakaraniwan nito ay ang

Pamumula Ng Mata

sobrang babad sa kompyuter at pagbabasa ng libro. Pero ang nangunguna talaga sa lahat ay ang pgkahawa sa mga taong may sore eyes na. Ang mga sumusunod ay ang mga iba pang dahilan.

• Pagka hawa sa ibang tao
• Pag gamit ng contact lenses
• Sobrang pagkuskus sa mata
• Sobrang babad sa araw
• Allergy at impeksyon dala ng mga kemikal at usok sa paligid
• Tuyong mata

Paano maiwasan ang sore eyes?

Importante talaga na malaman mo kung paano maiwasan ang sakit na ito nang sa gayuy hindi mo na kaylangan pang maghanap kung ano ang mga mabisang gamot sa sore eyes. Dito sa Pilipinas,ito ay isang pana-panahong sakit , kadalasang lumalabas ito ng summer dahil tag-init at kadalasang natatamaan nito ay ang mga bata. Ang pinakamabisang paraan upang ikaw ay hindi mahawaan ay ang pag-iwas sa mga taong kasalukayang may sore eyes, kumain ng masustansyang pagkain,wag ibabad ang mata sa kompyuter o libro ng walang pahinga at pinakahuli matulog ng maaga.

Anong gamot sa sore eyes na pwedeng mabili sa mga botika?

Ang mga sumusunod ay mga eye drops para sa sore eyes na pwedeng bilhin at gamiting lunas pero mas rekomendado parin ang magpakonsulta muna sa doktor bago gumamit nito.

• maxitrol
• tobradex
• tobrex
• cellufresh

Mga remedyong gamot sa sore eyes na pwedeng gawin sa bahay

Para sa mga walang pambili ng gamot ang mga sumusunod ay ilan sa mga pamamaraan kung paano gamotin ang sore eyes sa bahay.

• Paghihilamos ng malamig na tubig at paglagay ng yelo sa basahan at idampi sa mata.
• Takpan ang mata ng malamig na hiniwang pipino o di kaya ay patatas.
• Paglagay ng sariwang gatas sa mata

Alamin Ang Pinakamabilis, Epektibo at Mabisang Gamot sa Buni

Maraming tao ang naghahanap ng mabilis, mabisa at epektibong gamot sa buni. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ang buni ay madali lamang lunasan ng mga mabibiling gamot sa botika at mga natural na lunas sa bahay.

Ang buni ay isang klase ng fungal infection na maaring makuha ng kahit sino. Ang ringworm ay isa sa pinaka-common na fungi-caused na sakit sa balat. Ang human dermatophytes na karaniwang nasasalin tao sa tao ay ang pangunahing sanhi ng ringworm infection o buni.

Ang mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng buni:

  •  Direktang paglapat ng ringworm sa pamamagitan ng hayop sa bahay na may ringworm infection at lupang may ringworm;
  • Nakatira sa mainit at maalinsangang klima living in a warm, humid climate;
  • May mahinang immune system (na dahil sa pagkakaroon ng HIV/AIDS, cancer, chemotherapy, diabetes, o  ibang sakit);
  • Mga atleta na may direktang kontak sa katawan ng ibang atleta, katulad ng wrestling
  • Mga taong madalas pawisan na nagsusuot ng masikip na damitg;
  • Paggamit ng pampublikong liguan at palikuran; at
  • Paggamit sa higaan, tuwalya, damit ng mga taong may buni.

Sintomas at Sinyales ng Pagkakaroon ng Buni sa balat

Ang buni ay kadalasang lumilitaw na pulang marka sa balat, na kadalasang mabilis lumaki at pormang bilog. Karaniwan ang gitna ng buni ay magaspang at tuyo, o mamasa-masa, makati at mahapdi. Ang sukat ng rashes ng buni sa balat ay kadalasang nasa 4 o 5 sentimetro. Ito ay karaniwang lumalabas at nakikita sa may tiyan, singit, paa, braso at kamay, leeg, at mukha.

Mabilis at mabisang mga Lunas para sa Buni

Ang pinakamabilis na lunas para sa buni ay ang mga nabibiling antifungal cream at sabon sa botika at hindi na kailangan ng reseta ng doctor upang makabili nito. Ang mga cream at sabon na may zinc oxide, benzoic acid, sulfur, salicylic acid, clotrimazole, ketoconazole at iba pang antifungal na gamot ay ang pinakambisang pamatay ng buni. Sa Pilipinas, ang karaniwang brand ng mabisang antifungal na gamot ay

  •         Nizoral Cream
  •          IPI Whitfield’s Ointment
  •          Canesten
  •          Candiva
  •          Lamisil Cream
  •          IPI Sulfur Ointment
  •          Dr. S. Wong’s Bioderm Ointment

May Iba’t-ibang instruksiyon ang nakasulat sa bawat gamot sa buni na nakalista sa itaas, basahing mabuti ang nasa pakete kung paano at gaano kadalas ito gamitin. Napakahalaga na isanguni sa doktor ang iyong problema kung ang buni ay hindi nawawala pagkatapos ng dalawang lingo o mahigit simula ng paggamit ng mga nabibiling gamot sa botika.

Kung ikaw ay hindi kumportableng bumili ng gamot sa buni, ang mga sumusunod ay ang mga lunas na pwedeng sa bahay lang makita at gawin:

1.      Bleach – Ito ay karaniwang ginagamit pangtaggal ng dumi at mansta sa damit, at ito ay rekomendado na home cure para sa fungal infections. Ito ay epektibo na pamatay sa fungus, at ang resulta ay karaniwang nakikita kaagad sa loob ng isa or dalawang araw. Pero dapat tandaan na ang bleach ay hindi pangunahing ginagamit para ilapat sa balat, kuko at buhok ng tao. Ito ay delikadong gamitin kung sobra ang paglagay nito sa balat, maari itong makasanhi ng iritasyon, sunog at peklat sa balat.

2.      Tea Tree Oil – Ito ay matagal nang ginagamit na panglunas sa maraming sakit katulad ng ubo at sipon, sugat, at mga problema sa balat. Ang oil na ito ay may sangkap na  antimicrobial, antibacterial, antifungal and antiseptic na higit na kailangan para madaling malunasan ang mga sakit sa balat tulad ng buni.

3.      Garlic o Bawang – Ito ay herbal na gamot na may antiseptic, antibiotic, antimicrobial at antifungal na sangkap na mabisang panglaban at pwedeng gamiting gamot sa buni.  Paano gamitin ang bawang upang gawing gamot sa buni? Kumuha ng kalahating piraso ng bawang, durugin ito at ilagay ang katas ng bawang sa apektadong balat, patuyuin at ibalot ng bandage. Gawin ito dalawang beses sa isang araw. Maari rin itong gamitin para sa mga hayop na may ringworm infection. Ang paraang ito ay epektibo ngunit ito rin ay nakakapaso kung masosobrahan at matagal rin itong umepekto kung malala na ang buni.

Laging tandaan na kung ang buni o impeksyon sa balat ay hindi gumagaling pagkatapos gumamit ng mga gamot at ibang lunas, ikonsulta agad sa mga eksperto or doktor sa balat ang problema para hindi na lumala at mabigyan agad ng angkop na lunas.

Mga Sintomas ng Diabetes at mga Senyales na Kailangan na Magpakonsulta

Ano ang mga sintomas ng diabetes at paano natin masasabi na may sakit tayong diabetes ?

Kadalasang maagang sintomas ng diabetes ay ang mataas na lebel ng glucose sa dugo. Ang mga maagang babala ay karaniwang hindi madaling mahalata, lalo na ang Type 2 Diabetes na kaso. Ang Type 2 Diabetes ay matagal mapansin at kung lalabas ang sintomas nito ay dahil na sa matagalang pinsala sa katawan. At ang Type 1 Diabetes na sintomas ay madaling mapansin sa loob ng 1 to 2 weeks at dahil kadalasang malala na ang mga sintomas nito.

Pangkaraniwan at Kadalasang Sintomas ng Diabetes

Ang dalawang uri ng diabetes ay may kaparehang maagang sintomas tulad ng:

  • Madalas na pagkagutom at pagkahapo – Kung ang katawan ay hindi na gumagawa o hindi sapat ang insulin o ang body cells ay hindi na tumatanggap ng insulin ay nagreresulta ng pagkawala ng enerhiya sa katawan. Ito ay nagdudulot ng hindi ordinaryong pagkagutom at pagkahapo.
  • Madalas na pag-ihi at pagka-uhaw – Ang tao ay normal na umiihi apat hanggang pitong beses sa loob ng isang araw, pero ang taong may diabetes ay mahigit pa sa pitong beses ang pag-ihi.
  • Madalas ng tuyong bibig at makating balat – At dahil ang katawan ay ginagamit ang tubig ng katawan dahil sa madalas na pag-ihi, magkakaroon ng pagkatuyo ng ibang parte ng katawan tuladd ng balat at bibig. Pag ang isang tao ay dehydrated, ang bibig at balat ang unang apektado, at kadalasan ang tuyong balat ay sobrang makati.
  • Paglabo ng mata – Ang pag-iiba ng lebel ng body fluids sa katawan ay magdudulot ng pagmaga ng lenses sa mata. Ang hugis ng mata ay nagbabago at nawawalan ito ng abilidad na magpokus.

Ibang sintomas ng Diabetes: Type 1

  •  Wala sa plano at mabilis na pagbaba ng timbang
  • Pagkahilo at pagsusuka – Kung ang katawan ay nagsusunog ng taba sa katawan, lumilikha ito ng ketones. Kung dadami ito dahil sa mataas na lebel ng sugar sa katawan at nagsusunog ng taba, maari itong tumaas sa napakadelikadong lebel at ang kondisyong ito ay tinatawag na diabetic ketoacidosis. Ang ketones ay nagsasanhi ng pagsama at sobrang pagsakit ng tiyan.

Ibang sintomas ng Diabetes: Type 2

Ang mga sintomas kay kadalasang lumilitaw kung ang gluscose ay palaging mataas sa mahabang panahon.

  • Yeast infections – Parehong babae at lalaki ay pwedeng makaranas nito. Ang yeast ay nabubuhay sa pamamagitan ng glucose, kaya ang pagtaas ng glucose ay madals magresulta sa pagkakaroon ng yeast infection. Ang impeksyon ay maaring lumitaw sa mainit, mamasa-masang parte ng balat tuald ng: pagitan ng daliri sa kamat at paa, ilalim ng suso, loob at labas ng ari ng babae at lalaki.
  • Mabagal na paghilom ng mga sugat – Kung matagal na ang diabetes, nagkakaroon na ng nerve damages, dahilan upang mahirap na para sa katawan ng tao para paghilumin ang mga sugat.
  • Pagsakit at pamamanhid ng paa at binti – Isa rin ito sa resulta ng nerve damage.

Kailan kailangang magpakonsulta sa doktor?

Kung ikaw ay 45 years old pataas at ang pamilya ay may history ng diabetes, maghalagang magpakonsulta ka sa doktor at magpasuri ng sugar sa dugo. Pag ang kondisyon ay maagang matuklasan, maiiwasang ang mga nerve damages, problema sa puso, at iba pang komplikasyon.

Ang pangkalahatang tuntunin na dapat kanang magpakonsulta:

  • Palaging masama ang tiyan, nanghihina, ay palaging uhaw na uhaw
  • Madalas na umiihi kaysa sa normal
  • Sobrang pagsakit ng tiyan
  • Ang paghinga ay kadalasang malalim at mabilis kaysa sa normal
  • May matamis na hininga at amoy nail polish remover (ito ay sintomas na mataas nag ketones mo sa katawan)

Hindi dapat matakot kung ikaw ay may mga maagang sintomas ng diabetes, magpakonsulta agad sa doktor at ipasuri ang dugo para maagapan at malunasan agad ang mga nararamdaman.

Larong Pinoy at Laro ng Lahi Para sa mga Bata

Marami ang mga larong pinoy at “laro ng lahi” na malapit nang makalimutan ng mga batang Pilipino. Ito ay dahil sa pagdating natin sa “computer at internet age” kung saan halos nasa loob nalang ng bahay ang ma bata at nanunuod nalang ng TV o naglalaro sa computer.

Kung ikaw ay pinanganak noong 80s-90s marahil ay alam mo halos lahat ng mga larong pinoy sapagkat sa panahong ito ay wala pang gaanong teknolohiya at ang tanging libangan ng mga bata ay ang paglalaro sa labas. Sa panahon ngayon ay bihira mo nalang makikita ang mga batang naglalaro ng mga tradisyonal na mga larong pinoy na ito.

Balikan natin ang mga iilang larong pinoy at laro ng lahi na karaniwang nilalaro ng mga bata noon:

Bahay-bahayan – Ang bahay-bahayan ay maaring laruin ng lalaki at babae sapagkat isa itong role playing game na kung saan may magpapanggap na nanay, tatay, at anak. Ginagamit ang mga kumot unan at mga upuan upang gawing bahay, at minsa naman ay gumagawa rin ng luto-an kung saan yung nanay ay pwedeng magluto.

Taguan – Ito ay hango sa larong Ingles na ang tawag ay Hide and Seek. Magandang maglaro nito sa mga lugar na maraming kubo, puno at matataas na halamanan. Kahit ilang tao ay pwedeng sumali, ang kailangan lamang ay may tukuyin na “taya”. Ang sinumang matukoy na taya ay siyang magbibilang ng hanggang 30 habang nakapikit at nakasandal sa puno na nagsisilbing home base. Habang ang taya ay nagbibilang, ang mga kalaro ay naghahanap ng kanya kanyang mapagtataguan. Pagkatapos magbilang ng taya ay hahanapin na niya ang mga nagtago. Ang bawat nagtago naman ay hahanap ng paraan upang makapunta sa home base nang hindi nakikita ng taya sabay sisigaw ng “save”. Maliligtas mula sa pagkataya ang sinumang makapunta dito nang hindi nahuhuli. Matatapos lamang ang laro kung ang lahat ng manlalaro ay nakalabas na sa pinagtataguan.

Palo sebo – Hindi makukumpleto ang pistang Pilipino kung walang Palo Sebo. Ang larong pinoy na Ito ay nilalaro sa pamamagitan ng pag akyat sa mahabang kawayan na nilagyan ng grasa na magsisilbing pampadumulas. Kinakailangan ang malakas at makapit na paghawak sa kawayan upang makaabot sa tuktok at makuha ang premyo. Sa mga lalawigan sa Luzon tanyag ang larong ito sapagkat maraming puno ng niyog (madalas gamitin sa larong ito) ang matatagpuan dito. Ang larong ito ay kabilang sa “laro ng lahi” ng mga pinoy.

Piko Game – halos lahat ng batang pinoy noon ay marunong mag piko, madaming klaseng piko, per may standard na piko, yung tatlo single steps at dalawa double steps at buwan . Kailangan mo ng bato or pinagbasagan plato bilang bato mo (ang tamang bigkas ay baa-to), ihagis mo ang bato mo sa steps at ikaw ay pumunta at bumalik sa base. Kailangan mo makumpleto ang lahat ng steps at kapag nakumpleto mo ang lahat ng steps ay may karapatan ka ng magka “bahay “ ang bahay ay sa pamamagitan ng paghagis patalikod sa piko at kung saan dadapo ang bato ay doon ang bahay mo (maliba lang sa buwan, sa labas at sa kaban) hindi pwedeng tapakan ng kalaro mo ang bahay mo, at dalawang paan naman ang pwede mong tuntungin sa bahay mo, kung hindi pa kayo naglaro ng piko game sa buong buhay nyo ay hindi kumpleto ang pagka bata nyo

Jack-en-poy – Sa Ingles, ang bansag dito ay Rock-Paper-Scissors. Ang larong pinoy na  ito ay naglalayong matalo ang bawat galaw ng kamay sa pagitan ng dalawang manlalaro. Halimbawa, talo ng gunting ang papel, talo ng papel ang bato at talo ng bato ang gunting. Hindi makukumpleto ang larong ito kung wala ang kantang “jack-en-poy, hali, hali hoy! Sino’ng matalo siya’ng unggoy! Kinahihiligan ito ng karamihan sa Maynila.

Luksong Baka – Sa larong ito, ang isang manlalaro ay tutuwad ng bahagya habang nakasuporta ang kamay nito sa kanyang tuhod. Ang mga kalaro ay lulukso sa itaas ng taya gamit lamang ang mga kamay. Kapag sumayad ang mga binti ng lumukso sa ibang parte ng katawan ng taya, siya ang papalit dito. Sa mga bukirin ng Pangasinan sikat ang larong pinoy na ito.

Teks – di na ata uso ang tex ngayon, ito ay parang isang maliit na baraha ngunit ibat iba ang naka printa sa harap at kulay grey na papel ang likod, ito ay usong uso sa amin, ito ay parang sugal, na may mga maliliit na card na may nakalagay na illustrations sa isang pelikula, cartoon karakter na sina voltes 5 at mazingger z, o kaya mga pelikula ni FPJ. Parang kara o cruz kung sino ang nagiisang kakaiba sa pagtapon ng tatlong baraha ito ang panalo.

Siyato – Kung tatanungin mo ang mga bata sa Visayas tungkol sa larong Pitiw (syato), ay kilalang kilala nila ito. Dalawang manlalaro ang maglalaban dito. Kailangan ng bawat isa ang maikling patpat upang magsilbing pamato at mahabang patpat para gawing panghampas nito. Ang maikling patpat ay pumapagitna sa dalawang bato o home base at ang unang maglalaro ay ihahagis ito pataas sabay hataw dito gamit ang mahabang patpat hanggang sa maipalo palayo mula sa home base. Ang napalayong patpat ay pupuntahan ng naghagis at uulitin ang unang ginawa. Titigil lamang ito kung hindi natamaan ang kahoy habang nasa hangin. Ibabalik ito ng manlalaro habang sumisigaw ng “siyato” pabalik sa home base. Kung hindi nakasigaw ng “siyato” ay uulitin nito ang paghagis at paghataw.

Patintero – isa sa mga sikat na laro noong kabataan ko, ang kailangan mo lang ay isang malaking espasyo katulad ng kalsada at mga 8-10 na katao, at dahil kailang group ang maglalaro nito masaya at puro katatawanan lang ang nangyayari dito, hindi ko makakalimutan ang mag laro namin ng patintero sa kalsada.

Luksong Lubid – Ang larong pinoy na ito na binubuo ng tatlo o higit pang manlalaro ay simple lamang na kahit pinagdugtong dugtong na goma ay maaari nang gamitin. Sa larong ito lumulukso ang bawat manlalaro habang pabilis nang pabilis ang ikot ng tali o ng pinagdugtong na mga goma. Kapag tumama ang tali sa paa ng lumulukso, dahilan upang matigil ang pagikot nito ay siyang papalit naman ang ibang manlalaro. Isa pang uri ng luksong lubid ay tinatawag na Chinese Garter. Sa larong pinoy na ito, tatlo o higit pang manlalaro ang maaaring sumali. Gamit ang garter, lulukso lamang ang bawat manlalaro ngunit hindi tulad ng sa naunang uri, ang garter ay pataas ng pataas: mula sa bukong bukong hanggang sa itaas ng ulo. Kapag matatangkad naman ang iyong mga kalaban at may mahaba kang binti ay malaki ang tsansa ng pagkapanalo. Madalas itong makitang nilalaro ng mga bata sa makikipot na kalye ng Tondo, Manila.

Trumpo – Sa madaling pagsasaliksik ng larong  pinoy na trumpo, makikita mo muna ang sikat at hinahangaang palabas noong 90s. Ito ay pinamamagatang “Tropang Trumpo” na pinagbibidahan nina Ogie Alcasid, Michael V, Gellie De Belen at Carmina Villaroel. Ang nakakatawang palabas na ito ay handog sa larong trumpo. Sa salitang banyaga, tinatawag din ang larong ito bilang Spinning Top sa Ingles, Spun Tsa Lin sa Intsik at Koma Asobi sa Hapon.

Dalawang mahalagang gamit ang kinakailangan upang makapaglaro nito. Una ay ang gawa sa kahoy na hugis ng tulad sa acorn na mayroong pako na nakabaon ang ulo mula sa kahoy at ang pangalawa, isang mahabang lubid na magpapaikot sa kahoy na may pako. Sa oras na mapakawalan na ang kahoy mula sa lubid, marapat na maglaan ng sapat na espasyo ang manlalaro upang magpaikot ikot ito sa iba’t ibang direksyon.

Mahilig maglaro ng trumpo ang mga batang lalaki sa Lanao del Sur. Nasa kanilang lugar rin nagmula ang pinakamalaking trumpo sa Pilipinas; tinatawag itong Batige.

Kredito sa mga impormasyon at larawan:

akoaypilipino.eu
kritikongkiko.wordpress.com
fil.wikipilipinas.org

Mga Bansa sa South America

Ang pinakamalaking mga bansa sa South America o timog America ay ang Brazil  at Argentina. Ang South America ay binubuo ng labin dalawang bansa at dalawa nito ay non-sovereign, na may populasyon na aabot sa halos 386 milyon ka tao. Ang Pinakamalaking syudad nito ay ang Sao Paola na makikita rin sa Brazil. Sa kontinenting ito din natin makikita ang pinakamahabang ilog sa buong  ang Amazon River. Ang South America ang pang-apat na pinakamalaking kontinenti sa mundo.

Ang mga sumusunod ay ang mga bansa sa South America: populasyon, sukat at mga kabisera nito.

Mga Bansa Sukat
(km²)(sq mi)
Populasyon (2009) Kabisera
Argentina 2,766,890 km2 (1,068,300 sq mi) 40482000 Buenos Aires
Bolivia 1,098,580 km2 (424,160 sq mi) 9863000 La Paz and Sucre
Brazil 8,514,877 km2 (3,287,612 sq mi) 202241714 Brasília
Chile 756,950 km2 (292,260 sq mi) 16928873 Santiago
Colombia 1,141,748 km2 (440,831 sq mi) 46920000 Bogotá
Ecuador 283,560 km2 (109,480 sq mi) 14573101 Quito
Falkland Islands (United Kingdom) 12,173 km2 (4,700 sq mi) 3,140[24] Stanley
French Guiana (France) 91,000 km2 (35,000 sq mi) 221,500[25] Cayenne (Préfecture)
Guyana 214,999 km2 (83,012 sq mi) 772298 Georgetown
Paraguay 406,750 km2 (157,050 sq mi) 6831306 Asunción
Peru 1,285,220 km2 (496,230 sq mi) 29132013 Lima
South Georgia and the South Sandwich Islands South Georgia and South Sandwich Islands (United Kingdom) 3,093 km2 (1,194 sq mi) 20 King Edward Point
Suriname 163,270 km2 (63,040 sq mi) 472000 Paramaribo
Uruguay 176,220 km2 (68,040 sq mi) 3477780 Montevideo
Venezuela 916,445 km2 (353,841 sq mi) 31648930 Caracas

Kredito sa larawan at impormasyon.

Mga Bansa sa Europa at mga Kabisera

Ang Europa ang ika pito sa pinaka malaking kontinento sa mundo. Merong limampong mga bansa sa Europa na may kabuuang lawak na 10.18 milyon km²  at populasyon na aabot sa 739 milyon ka tao.

Ang mga sumusunod ay ang mga bansa sa Europa: populasyon, sukat at mga kabisera nito.

Mga Bansa Sa Europa Kabisera Populasyon Lawak (km²)
Albanya Tirana 28,748 360,0523
Alemanya Berlin 357,021 83,251,851
Andorra Andorra la Vella 468 68,403
Armenya Yerevan 29,800 3,229,900
Austria Vienna 83,858 8,169,929
Azerbaijan Baku 86,600 8,621,000
Belarus Minsk 207,600 10,335,382
Belgium Brussels 30,510 10,274,595
Bosnia at Herzegovina Sarajevo 51,129 4,448,500
Bulgaria Sofia 110,910 7,621,337
Croatia Zagreb 56,542 4,437,460
Cyprus Nicosia 9,251 788,457
Denmark Copenhagen 43,094 5,368,854
Espanya Madrid 504,851 45,061,274
Estonia Tallinn 45,226 1,415,681
Finland Helsinki 336,593 5,157,537
Greece Athens 131,940 10,645,343
Heorhiya Tbilisi 69,700 4,661,473
Hungary Budapest 93,030 10,075,034
Iceland Reykjavík 103,000 307,261
Italya Rome 301,230 58,751,711
Kazakhstan Astana 2,724,900 15,217,711
Latvia Riga 64,589 2,366,515
Liechtenstein Vaduz 160 32,842
Lithuania Vilnius 65,200 3,601,138
Lungsod ng Vaticano Vatican City 0.44 900
Luxembourg Luxembourg 2,586 448,569
Malta Valletta 316 397,499
Moldova Chişinău 33,843 4,434,547
Monaco Monaco 1.95 31,987
Montenegro Podgorica 13,812 616,258
Netherlands Amsterdam 41,526 16,318,199
Norway Oslo 324,220 4,525,116
Poland Warsaw 312,685 38,625,478
Portugal Lisbon 91,568 10,409,995
Pransiya Paris 547,030 59,765,983
Republic of Ireland Dublin 70,280 4,234,925
Republika ng Masedonya Skopje 25,333 2,054,800
Republikang Tseko Prague 78,866 10,256,760
Romania Bucharest 23,8391 21,698,181
Rusya Moscow 1,7075,400 142,200,000
San Marino San Marino 61 27,730
Serbiya Belgrade 88,361 7,495,742
Slovakia Bratislava 48,845 5,422,366
Slovenia Ljubljana 20,273 1,932,917
Sweden Stockholm 449,964 9,090,113
Switzerland Bern 41,290 7,507,000
Turkey Ankara 783,562 71,517,100
Ukraine Kiev 603,700 48,396,470
United Kingdom London 244,820 61,100,835

Kredito sa larawan at impormasyon.

Tagalog Prayer: Mga Panalangin at Halimbawa

Ang pinakaginagamit na tagalog prayer o panalingin na tagalog ay ang “Ama Namin” o mas kilala nating “Our Father” sa ingles.

Ama Namin

Ama namin, sumasalangit Ka
Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa, para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw.
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin
Sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Sapagkat Iyo ang kaharian, at kapangyarihan,
At ang kadakilaan, magpakailanman. Amen.

Manalangin sa Maykapal

Sa ating skwelahan, trabaho, pagdiriwang at iba pa ay ginagamit din natin ang mga tagalog prayer o tagalog na mga panalangin depende sa okasyon. Kadalasan, bago natin simulan ang isang programa ay meron tayong opening prayer tagalog o di kaya ay ingles, at pagkatapos ng programa ay closing prayer na tagalog o ingles naman depende sa ostiya.

Mga halimbawa ng Tagalog Prayer bago kumain

  • Maraming salamat po, Amang Banal, sa mga biyayang iyong ipinagkaloob sa amin sa araw na ito. Sinasamba ka namin sa patuloy mong pagkalinga sa aming sangbahayan at sa aming buong komunidad na aming ginagalawan. Nawa’y maging maayos ang aming pagsasalu-salo ngayong oras na ito at sa mga susunod pang araw. Amen

 

  • Ama, basbasan mo po ang mga biyayang ipinagkaloob mo sa amin upang aming pagsalu-saluhan. Ibinabalik po namin sa iyong harapan ang lahat ng kapurihan at nawa’y maging karapat-dapat kami sa lahat ng biyayang patuloy ninyong ipinagkakaloob sa aming pamilya at sambahayan. Maraming salamat po, Panginoon sa aming masaganang pamumuhay. Ang iyong kabutihan at kaluwalhatian ay hindi magkukulang kailanpaman. Amen.

Mga halimbawa ng opening prayer tagalog sa klase

  • Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po ang araw na ito sa aming lahat upang magampanan namin ang aming sariling tungkulin. Bigyan mo kami ng gabay at pagkalinga sa pagtupad ng aming mga gawain. Bigyan mo kami ng tulong sa aming mga desisyong ginagawa. Pagpalain mo an gaming mga guro sa matiyagang paghahatid sa amin ng mga leksyon sa araw-araw. Pagpalain mo rin an gaming mga magulang sa patuloy na pagsuporta sa amin. Maraming salamat po, Panginoon sa lahat ng biyayang inyong ibinibigay sa aming lahat. Ikaw po ang aming sandigan at kalakasan. Amen.

 

  • Kami po ay maliliit na alipin sa iyong harapan. Patawarin mo po kami sa aming kahinaan. Bigyan mo kami ng kalakasan upang mapaglabanan ang mga pagsubok na darating. Igawad mo sa amin ang kababaang-loob upang tumulong sa aming mga kaklase at sa aming kapwa tao. Gabayan mo kami na maging isang huwaran sa aming lipunang ginagalawan at magsilbing mabuting halimbawa para sa mga mag-aaral na nakababata sa amin. Sa iyo ang kaluwalhatian at aming pagsamba, Panginoon naming Diyos sa pangalan ng iyong Anak na aming Tagapagligtas. Amen.

Ang “Ama Namin” ay pwedeng gamitin bilang tagalog prayer before class, at apostles creed na tagalog pagkatapos ng klase.

Luwalhati Prayer o Glory Be sa ingles na panalangin

Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo.
Kapara nang sa una, gayon din ngayon at
magpakilan pa man sa walang hanggan.

Ang sumasampalataya prayer o apostles’creed sa ingles

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Jesukristo iisang anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santang Mariang Birhen. Ipinagpakasakit ni Poncio Pilato; ipinako sa krus, namatay at inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit; naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula’t paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika; sa kasamahan ng mga santo, sa kapatawaran ng mga kasalanan; at sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Pagsisisi Tagalog Prayer

Panginoon kong Hesukristo, ako’y nagkasala sa Iyong kabutihang walang hanggan. Ako’y nagsisisi ng buong puso at nagtitika na di na muling magkakasala sa tulong ng Iyong mahal na grasya. Amen.

Rosary Guide Tagalog

Paano ngaba mag rosary ng tagalog? Kung ikaw ay nanganga-ilangan ng rosary guide na tagalog, sundin mo lang ang pagka sunod-sunod ng mga dasal na ito:

1. Sa Ngalan Ng Ama (Sign of the Cross )
2. Sumasampalataya (Apostles’ Creed )
3. Ama Namin (Our Father )
4. 3x Aba Ginoong Maria (Hail Mary )
5. Luwalhati sa Ama (Glory Be)
6. Announce the Misteryo 1
7. Ama Namin
8. 10x Aba Ginoong Maria
9. Luwalhati sa Ama / O Hesus Ko (Oh, My Jesus)
10. Announce Misteryo 2
11. Ama Namin
12. 10x Aba Ginoong Maria
13. Luwalhati sa Ama / O Hesus Ko
14. Announce Misteryo 3
15. Ama Namin
16. 10 Aba Ginoong Maria
17. Luwalhati sa Ama / O Hesus Ko
18. Announce Misteryo 4
19. Ama Namin
20. 10 Aba Ginoong Maria
21. Luwalhati sa Ama / O Hesus Ko
22. Announce Misteryo 5
23. Ama Namin
24. 10x Aba Ginoong Maria
25. Luwalhati sa Ama / O Hesus Ko
26. Aba Po Santa Mariang Hari (Hail Holy Queen)
For the Intentions and protection of our Holy Father:
27. Ama Namin (Our Father)
Aba Ginoong Maria (Hail Mary)
Luwalhati sa Ama (Glory Be)
28. Sa Ngalan Ng Ama (Sign of the Cross)

Mga Bansa sa Africa at mga Kabisera

Ang kontinenting Africa ang pangalawa sa may pinakamaraming populasyon sa mundo na halos aabot sa isang bilyon. Aabot sa halos dalawang libo ang mga napag alamang wika sa kontinenting ito. Ang pinakamalaking relihiyon ng mga bansa sa Africa ay Islam at Kristiyanismo.

Ang mga sumusunod ay ang mga bansa sa Africa:  populasyon, sukat at mga kabisera nito.

Mga Bansa sa Africa Kabisera Populasyon
( 2009 )
Lawak (km²)
Zimbabwe/ Simbabwe Harare 11392629 390580
Zambia /Sambia Lusaka 11862740 752614
Western Sahara /Kanlurang Sahara El Aaiún 405210 266000
Uganda Kampala 32369558 236040
Tunisia Tunis 10486339 163610
Togo Lomé 6019877 56785
The Gambia / Gambiya Banjul 1782893 11300
Tanzania /Tansania Dodoma 41048532 945087
São Tomé and Príncipe /Sao Tome at Prinsipe São Tomé 212679 1001
Swaziland /Suwasilandiya Mbabane 1123913 17363
Sudan Khartoum 41087825 2505810
South Africa/ Timog Africa Bloemfontein, Cape Town, Pretoria 49052489 1219912
Somalia Mogadishu 9832017 637657
Sierra Leone Freetown 6440053 71740
Seychelles /Seyseles Victoria 87476 455
Senegal /Senegal Dakar 13711597 196190
Saint Helena (UK) Jamestown 7637 410
Réunion (France) Saint-Denis 743,981(2002) 2512
Rwanda Kigali 10473282 26338
Republic of the Congo /Konggo Brazzaville 4012809 342000
Niherya Abuja 149229090 923768
Niger/ Niher Niamey 15306252 1267000
Namibia Windhoek 2108665 825418
Mozambique /Mosambik Maputo 21669278 801590
Morocco/ Moroko Rabat 34859364 446550
Melilla (Spain) 66,411(2001) 12
Mayotte (France) Mamoudzou 223765 374
Mauritius Port Louis 1284264 2040
Mauritania Nouakchott 3129486 1030700
Mali Bamako 12666987 1240000
Malawi Lilongwe 14268711 118480
Madeira (Portugal) Funchal 245,000(2001) 797
Libya Tripoli 6310434 1759540
Liberia Monrovia 3441790 111370
Lesotho Maseru 2130819 30355
Guinea-Bissau Bissau 1533964 36120
Guinea Conakry 10057975 245857
Ghana /Gana Accra 23832495 239460
Gabon Libreville 1514993 267667
Ethiopia /Etiyopiya Addis Ababa 85237338 1127127
Eritrea Asmara 5647168 121320
Equatorial Guinea /Ekwatoryal Guinea Malabo 633441 28051
Egypt /Ehipto Cairo 83,082,869 total, Asya 1.4m 1001450
Djibouti Djibouti 516055 23000
Democratic Republic of the Congo Kinshasa 68692542 2345410
Côte d’Ivoire Baybaying Garing Abidjan, Yamoussoukro 20617068 322460
Comoros/ Komoro Moroni 752438 2170
Chad /Tsad N’Djamena 10329208 1284000
Ceuta (Espanya) 71,505(2001) 20
Central African Republic /Republikang Gitnang-Aprikano Bangui 4511488 622984
Cape Verde / Kabo Berde Praia 429474 4033
Canary Islands/ Kapuloan Espana (Espanya) Las Palmas de Gran Canaria, 1,694,477(2001) 7492
Cameroon /Kamerun Yaoundé 18879301 475440
Burundi Bujumbura 8988091 27830
Burkina Faso /Burkina Paso Ouagadougou 15746232 274200
Botswana Gaborone 1990876 600370
Benin Porto-Novo 8791832 112620
Angola Luanda 12799293 1246700
Alherya Algiers 34178188 2381740

Kredito sa larawan at impormasyon.

Mga Rehiyon sa Pilipinas at mga Lalawigan

Ano ang rehiyon? Ang rehiyon ay isang pamamaraan ng mga pangulo ng Pilipinas ng paghati-hati ng isang lugar o bansa upang ito ay madali lamang pangalagaan at pamuno-an Ang Pilipinas ay hinati sa labing pitong rehiyon sapagkat ang bansa ay binubuo ng mga kapuluan. Ang mga rehiyon sa pilipinas ay may kanya kanyang pagkakaiba sa mga produkto, etniko, kultura, likas na yaman, klima at iba pa.

Ang mga sumusunod ay ang mga rehiyon sa pilipinas at mga impormasyon ukol dito.

MGA REHIYON SA PILIPINAS NA MAKIKITA SA LUZON

NCR REGION – NATIONAL CAPITAL REGION
Populasyon: 11,855,975
Sukat: 636 km2
Munisipyo : Lungsod ng Manila

NCR REGION – NATIONAL CAPITAL REGION

• Lungsod ng Las Pinas
• Lungsod ng Makati
• Lungsod ng Malabon
• Lungsod ng Mandaluyong
• Lungsod ng Manila
• Lungsod ng Marikina
• Lungsod ng Muntinlupa
• Lungsod ng Paranaque
• Lungsod ng Pasay
• Lungsod ng Pasig
• Lungsod ng Quezon
• Lungsod ng San Juan
• Lungsod ng Taguig
• Lungsod ng Valenzuela

REHIYON NG CAR- CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION
Populasyon: 1,616,867
Sukat: 18,294 km2

REHIYON NG CAR- CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

• ABRA
Kabisera – Bangued

 

•APAYAO
Kabisera – Kabugao

•BENGUET

Kabisera – La Trinidad

 

• IFUGAO
Kabisera – Lagawe

•KALINGA
Kabisera – Tabuk

•MT. PROVINCE
Kabisera – Bontoc

REHIYON I – ILOCOS
Populasyon: 4,748,372
Sukat: 12,840 km2

REHIYON I – ILOCOS

• ILOCOS NORTE

Kabisera – Lungsod ng Laoag

 

• ILOCOS SUR
Kabisera – Lungsod ng Vigan

• LA UNION
Kabisera – Lungsod ng San Fernando

• PANGASINAN
Kabisera – Lingayen

REHIYON II – CAGAYAN VALLEY
Populasyon: 3,229,163
Sukat: 26,838 km2

REHIYON II – CAGAYAN VALLEY

• BATANES
Kabisera – Basco

• CAGAYAN
Kabisera – Lungsod ng Tuguegarao

• ISABELA
Kabisera – Ilagan

• NUEVA VIZCAYA
Kabisera – Bayombong

• QUIRINO
Kabisera – Cabarroguis

REHIYON III – GITNANG LUZON
Populasyon: 10,137,737
Sukat: 21,470 km2

REHIYON III – GITNANG LUZON

• AURORA
Kabisera – Baler

• BATAAN
Kabisera – Lungsod ng Balanga

• BULACAN
Kabisera – Lungsod ng Malolos

• PAMPANGA
Kabisera – Lungsod ng San Fernando

• NUEVA ECIJA
Kabisera – Lungsod ng Palayan

• TARLAC
Kabisera – Lungsod ng Tarlac

• ZAMBALES
Kabisera – Iba

REHIYON IV-A – CALABARZON
Populasyon: 12,609,803
Sukat: 16,229 km2

REHIYON IV-A – CALABARZON

• BATANGAS
Kabisera – Lungsod ng Batangas

• CAVITE
Kabisera – Lungsod ng Trece Martirez

• LAGUNA
Kabisera – Santa Cruz

• QUEZON
Kabisera – Lungsod ng Lucena

• RIZAL
Kabisera – Lungsod ng Antipolo

REHIYON IV-B – MIMAROPA
Populasyon: 2,744,671
Sukat: 27,456 km2

REHIYON IV-B – MIMAROPA

• MARINDUQUE
Kabisera – Boac

• OCCIDENTAL MINDORO
Kabisera – Mamburao

• ORIENTAL MINDORO
Kabisera – Lungsod ng Calapan

• PALAWAN
Kabisera – Lungsod ng Puerto Princesa

• ROMBLON
Kabisera – Romblon

REHIYON V – BICOL
Populasyon: 5,420,411
Sukat: 17,632 km2

REHIYON V – BICOL

• ALBAY
Kabisera – Lungsod ng Legazpi

• CAMARINES NORTE
Kabisera – Daet

• CAMARINES SUR
Kabisera – Pili

• CATANDUANES
Kabisera – Virac

• MASBATE
Kabisera – Lungsod ng Masbate

• SORSOGON
Kabisera – Lungsod ng Sorsogon

MGA REHIYON SA PILIPINAS NA MAKIKITA SA VISAYAS

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS
Populasyon: 4,194,579
Sukat: 12,258 km2

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS

• AKLAN
Kabisera – Kalibo

• ANTIQUE
Kabisera – San Jose

• CAPIZ
Kabisera – Lungsod ng Roxas

• GUIMARAS
Kabisera – Jordan

• ILOILO
Kabisera – Lungsod ng Iloilo

• NEGROS OCCIDENTAL
Kabisera – Lungsod ng Bacolod

REHIYON VII – GITNANG VISAYAS
Populasyon: 5,513,514
Sukat: 9,565 km2

REHIYON VII – GITNANG VISAYAS

• BOHOL
Kabisera – Lungsod ng Tagbilaran

• CEBU
Kabisera – Lungsod ng Cebu

• NEGROS ORIENTAL
Kabisera – Lungsod ng Dumaguete

• SIQUIJOR
Kabisera – Siquijor

REHIYON VIII – SILANGANG VISAYAS
Populasyon: 4,101,322
Sukat: 21,432 km2

REHIYON VIII – SILANGANG VISAYAS

• BILIRAN
Kabisera – Naval

• EASTERN SAMAR
Kabisera – Lungsod ng Borongan

• LEYTE
Kabisera – Lungsod ng Tacloban

• NORTHERN SAMAR
Kabisera – Catarman

• SOUTHERN LEYTE
Kabisera – Lungsod ng Maasin

• WESTERN SAMAR (SAMAR)
Kabisera – Lungsod ng Catbalogan

 

MGA REHIYON SA PILIPINAS NA MAKIKITA SA MINDANAO

REHIYON IX – ZAMBOANGA PENINSULA
Populasyon: 3,407,353
Sukat: 14,811 km2

REHIYON IX – ZAMBOANGA PENINSULA

• ZAMBOANGA DEL NORTE
Kabisera – Lungsod ng Dipolog

• ZAMBOANGA DEL SUR
Kabisera – Lungsod ng Pagadian

• ZAMBOANGA SIBUGAY
Kabisera – Ipil

REHIYON X – NORTHERN MINDANAO
Populasyon: 4,297,323
Sukat: 17,125 km2

REHIYON X – NORTHERN MINDANAO

• BUKIDNON
Kabisera – Lungsod ng Malaybalay

• CAMIGUIN
Kabisera – Mambajao

• LANAO DEL NORTE
Kabisera – Tubod

• MISAMIS OCCIDENTAL
Kabisera – Lungsod ng Oroquieta

• MISAMIS ORIENTAL
Kabisera – Lungsod ng Cagayan de Oro

REHIYON XI – DAVAO
Populasyon: 4,468,563
Sukat: 20,244 km2

REHIYON XI – DAVAO

• COMPOSTELA VALLEY
Kabisera – Nabunturan

• DAVAO DEL NORTE
Kabisera – Lungsod ng Tagum

• DAVAO DEL SUR
Kabisera – Lungsod ng Digos

• DAVAO ORIENTAL
Kabisera – Lungsod ng Mati

REHIYON XII – SOCCSKSARGEN
Populasyon: 4,109,571
Sukat: 18,433 km2

REHIYON XII – SOCCSKSARGEN

• COTABATO (NORTH COTABATO)
Kabisera – Lungsod ng Kidapawan

• SARANGANI
Kabisera – Alabel

• SOUTH COTABATO
Kabisera – Lungsod ng Koronadal

• SULTAN KUDARAT
Kabisera – Isulan

REHIYON XIII – CARAGA
Populasyon: 2,429,224
Sukat: 18,847 km2

REHIYON XIII – CARAGA

• AGUSAN DEL NORTE
Kabisera – Lungsod ng Cabadbaran

• AGUSAN DEL SUR
Kabisera – Prosperidad

• DINAGAT ISLANDS
Kabisera – San Jose

• SURIGAO DEL NORTE
Kabisera – Lungsod ng Surigao

• SURIGAO DEL SUR
Kabisera – Lungsod ng Tandag

REHIYON NG ARMM – AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO
Populasyon: 3,256,140
Sukat: 12,695 km2

REHIYON NG ARMM – AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO

• BASILAN
Kabisera – Basilan

• LANAO DEL SUR
Kabisera – Lungsod ng Marawi

• MAGUINDANAO
Kabisera – Shariff Aguak (Maganoy)

• SHARIFF KABUNSUAN
Kabisera – Datu Odin Sinsuat

• SULU
Kabisera – Jolo

• TAWI-TAWI
Kabisera – Panglima Sugala (Balimbing)

Ang impormasyon ukol sa populasyon ay nakuha sa isang pagsisiyasat noong 2010. Kredito sa mga pinagmulan ng mga  larawan at iba pang mga impormasyon.