Alamin Kung Ano Ang HIV/AIDS At Ang Mga Sintomas Nito

Ano ang HIV/AIDS at ang piligrong dala nito sa mga tao?

Ang HIV o ‘’Human Immunodeficiency Virus’’ ay isa sa mga nakakatakot na sa kit sa buong kasaysayan. Nakakatakot ang sakit na ito sapagkat ang virus na ito ay pinapatay ang cells ng katawan ng tao na siyang kadahilanan ng paghina ng immune system.

Ano ang mga epekto sa katawan kung ikaw ay maysakit na HIV?

Kapag mahina ang immune system ng isang tao, mas lalo itong madaling hawaan ng ibang sakit. Dahil sa patuloy na paghina maaring magdulot na ito ng ibat-ibang sakit tulad ng AIDS o di kaya ay kanser.

Ano  ang mga dapat mong iwasan sa taong may HIV upang hindi ka mahawa sa kanya?

Ang taong may sakit na HIV ay maaring makapanghawa ng ibang tao sa pamamagitan ng kanilang tamud galing sa lalaki, likidong lumalabas  galing sa ari ng babae, dugo at gatas galing sa dede.

Ang pawis, luha, laway, ihi, dumi at pagyakap at paghawak sa taong may HIV ay hindi delikado at hindi ito magiging dahilan ng iyong pagkahawa.

Bakit dumarami at pabata ng pabata ang mga nahahawa ngayon sa HIV?

Dumarami at pabata ng pabata ang mga naging biktima ng HIV dahil sa kakulangan sa kaalaman kung ano ang sex education at marami ang nasanay na hindi gumagamit ng contraseptives ng nakikipagtalik.

Sa anong paraan nakakahawa ang dugo ng may HIV sa ibang tao?

Ang mga sumusunod ay ang mga bagay na dapat iwasang upang hindi masalinan at mahawa ng dugo ng may HIV.

  • Pag palagay ng tattoo na gamit ang karayum ng taong may HIV
  • Pagbutas sa tainga upang lagyan ng hikaw gamit ang pambutas na ginamit sa taong may HIV
  • Aksidenting pagsalin ng dugo sa hospital

Nahahawa ba ang sanggol sa loob ng sinapupunan ng babaeng buntis na may HIV?

Malaki ang posibilidad na ipanganak ng buntis ang bata na may HIV. Kung pinanganak naman itong walang HIV ay maaring makuha ito ng sanggol kapag ito ay pina-inom ng gatas na galing sa dede ng nanay. Kaya mas mainam para ma sigurado na hindi mahawa ang bata ay painumin nalang ito ng ibang gatas na nabibili sa mga botika.

Ano ang mga maagang sintomas at sinyales ng pagkakaroon HIV?

  • Madaling mapagod at palaging nanghihina ang katawan
  • Pabalik-balik na lagnat sa gabi
  • Pagtatae ng matagal na panahon
  • Pagkakaroon ng pantal pantal sa katawan
  • Namamaga o bukol sa parting ilalim kili-kili
  • Kulani sa may bandang leeg
  • Mabilis na pagbawas ng timbang
  • Pagkamalimutin at malungkutin

Ano ang mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng HIV?

  • Limitahan ang pakikipagtalik sa ibang tao
  • Gumamit ng kondom kapag nakikipagtalik
  • Huwag basta-bastang gumamit ng karayum na

Ang mga 10 Sintomas at Sinyales ng Pagbubuntis ng Isang Babae

Ang pagbubuntis ng isang babae ay isang napakagandang balita para sa mga mag-asawang nangangarap na magkaroon ng anak sapagkat may mga mag asawang  matagal nang nangangarap subalit talagay nahihirapang bumoo ng bata.

Ang pakikipagtalik sa asawa sa panahon na siya ay fertile ay isa sa mga teknik upang mas lumaki ang tsansa na makabo-o ng bata. Kaya importante talaga na malaman ng lalaki kung paano malalaman kung fertile ang babae o asawa niya.

Ang mga 10 sintomas at sinyales ng pagbubuntis ng isang babae

  1. Ang pagkadelay o di kaya ay hindi pag regla ng aabot ng 2weeks o dalawang linggo ay maaring isang sinyales ng pagbubuntis
  2. Palaging sumasakit ang ulo o di kaya ay likod
  3. Mood swings o di kaya ay ang palaging mainit ang ulo
  4. Pangingirot at pangangati ng utong ay mararamdaman ng babae dalawang linggo matapos na siya ay hindi na nireregla
  5. Unang sinyales ng pagbubuntis sa loob ng dalawang linggo (2 weeks) ang pagkahilo at pagsusuka lalo na sa umaga, madalas itong  nararamdaman kapag nasa 4 weeks to 6 weeks nang buntis.
  6. Nagiging palaging sensitibo ang suso at mapapansin ang mabilis na paglaki nito
  7. Palaging pagod o di kaya ay mabilis mapagod dahil sa hormones na dala ng pagbubuntis kung saan nag-aadjust na ang katawan sa bata na namumuo.
  8. Madalas na pagpunta sa banyo para umihi.
  9. Pag-iiba ng kulay ng areola ang kulay ay nandidilim, kadalasang mapapansin ito sa makaraan ang 8 weeks.
  10. Labis na pananabik kumain ng ibat-ibang uri ng pagkain at paglakas ng pakiramdam sa pang-amoy.