Ano ang Zika Virus at ang Panganib Na Dala

Ano ang Zika Virus?

Ayon sa World Health Organization, ang Zika Virus ay sakit na nakukuha sa kagat ng lamok. Ito ay unang natuklasan ng mga health workers na nagsusuri ng yellow fever sa Uganda noong 1947, ito’y nagsimula bilang isang sakit ng mga unggoy. Noon 1952 sa bansang Uganda at Tanzania nagsimulang dumapo sa tao ang Zika Virus.

Ang pagalaganap gn Zika Vuris ngayon ay naitala na sa Africa, United States of America, at Asia Pacific. Noong 1960s hanggang 1980s, ang Zika Virus infection ay naitala sa Africa at Asia na kadalasang kasama sa mga ordinayo at hindi grabeng sakit. Ang unang maraming kasong naitala ng Zika infection ay sa isla ng Yap (Federated States of Micronesia) noong 2007.

 Noong July 2015 sa Brazil, nai-report magkaugnay na kaso ng Zika Virus infection at Guillain-Barré syndrome. At noong October 2015, naitala rin sa Brazil na ang Zika Virus infection ay nagdudulot ng microcephaly syndrome. Pinag-aaralan pa hanggang ngayon kung ano pang mga neurological na komplikasyon ang maaring dala nito.

Nakukompirma ang Zika Virus infection sa pamamagitan ng laboratory tests ng dugo o ibang body fluids, tulad ng ihi, laway at semen.

Sanhi at Sintomas ng Zika Virus

Ang sanhi ng Zika virus disease ay dahil sa kagat ng Aedes na klase ng lamok. Ang incubation period (simula ng pagkahawa ng virus hanggang sa lumabas ang sintomas) ay hindi pa klaro, pero kadalasan ay umaabot pa ng ilang araw.

Ang mga taong may Zika virus ay kadalasang nagkakaroon ng lagnat, skin rashes, conjunctivitis,pananakit ng kasu-kasohan at kalamnan, malaise o sakit ng ulo. Ang mga sintomas na ito ay kadalasang nagtatagal ng dalawa (2) hanggang pitong (7) araw.

Komplikasyon ng Zika Virus

Ayon sa konklusyon sa pagsusuri noong May 30, 2016 ng World Health Organization (WHO), kung ang impeksyon ng Zika Virus ay mangyayari habang nagbubuntis ang isang babae ay siguradong magkakaroon ng congenital brain abnormalities katulad ng microcephaly, at nagsasanhi rin ito ng of Guillain-Barré syndrome.

Lunas at Pag-iwas sa Zika Virus

Ang Zika Virus ay kadalasang may di malalang sintomas at walang direktang lunas. Ang mga taong may Zika virus ay dapat magkaroon ng maraming pahinga, uminon ng maraming tubig at iba pang hydration, at uminom ng gamot sa sakit sa katawan at lagnat. Kung lumalala ang mga sintomas, dapat sumanguni na sa doktor at eksperto. Sa ngayon, walang bakuna laban sa Zika virus.

Proteksyon laban sa kagat ng lamok ang pinakaunang dapat pagtuonan ng pansin para makaiwas sa Zika virus. Maaring magsuot ng damit may mahabang manggas, paglalagay ng window screens sa bintana at pagsasara ng pinto, pagtulog sa gamit ang kulambo, at paggamit ng insect repellant na may DEET, IR3535 o icaridin. Importante rin ang paglilinis sa mga lugar na potensyal na pagbahayan ng lamok.

Transmisyon ng Zika Virus

Ang Zika virus at nasasalin sa tao sa pamamagitan ng kagat ng Aedes na klase ng lamok,  ang lamok na ito ay kadalasang makikita sa tropical na lugar. Ang Aedes na lamok ay kadalasang nangangagat pag umaga , hapon at gabi. Magkaparehang lamok ang nagdadala ng Zika Virus, dengue, chikungunya at yellow fever.  Maaari ring masalin ang virus  habang nagtatalik, at pagsasalin ng dugo.

Gamot sa Tonsil na Nakakawala ng Boses

Ang sakit sa tonsil o tonsillitis ay isang kondisyon kung saan namamaga ang tonsil ng tao. Karawinang acute ang kondisyon ng tonsillitis, pero ang iba ay maaring magkaroon ng chronic at recurring tonsillitis.

Kung ang tonsillitis na iyong dinaramdam ay virus o bacteria ang sanhi, mayroong mga gamot sa tonsil na makikita lang sa bahay na pwedeng maging remedyo para maging komportable at mabilis ang paggaling.

Kung ang sanhi ng tonsillitis ay virus, ang mga gamot sa tonsil o remedyong ito lamang ang tanging pwedeng ibigay. Ang doktor ay hindi magbibigay ng antibiotics para gamot sa tonsil na virus ang sanhi. Mawawala na ang tonsillitis sa loob ng 7 hanggang 10 na araw. Ang karaniwang sintomas ng tonsillitis ay sore throat, pagsakit ng loob ng tainga, pag-ubo, lagnat at mahirap na paglunok.

Walang direktang mabisang gamot sa tonsillitis, karaniwang nawawala ito pagkatapos ng isang lingo. Habang naghihintay na mawala ang impeksyon, may mga maaring gawin para maibsan ang sakit na dinaramdam dahil sa tonsillitis.

Maari kang bumili ng painkillers gaya ng paracetamol, ibuprofen at acetaminophen. Kung bata ang pasyente, siguraduhing tama lang ang dosage at tamang klase ng painkillers ang dapat inumin.

Ang mga batang edad 16 years pababa ay dapat hindi painumin ng aspirin.

May mga mabibiling lozenges at oral sprays para pampapawi ng sore throat. Maari ring bumili ng mild antiseptic oral solution para imumog para sa sore throat. Isang alternatibo rin ang pagmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Ihalo ang kalahting kutsarita ng asin (2.5 grams) sa isang baso o 8 ounces na tubig. Imprtanteng hindi malunok ang tubig na may asin, at ang remedyong ito ay maaring hindi angkop para sa mga bata.

Isa ring alternatibo pampahupa ng sakit sa lalamunan ay lemon, ito ay may sangkap na antiviral, antibacterial at anti-inflammatory. At marami rin itong vitamin C content na makaktulong sa resistensya sa pasyente sa mga impeksyon. Sa isang baso ng maligamgam na tubig, pigain ang isang lemon, at dagdagan ng konting honey. Uminon ng tatlong beses sa isang araw. Pwede ring dagdagan ng konting asin at paminta para sa ubo.

Ang turmeric ay maari ring paglunas sa sakit sa lalamunan. Maglagay ng isang kutsarita ng turmeric powder sa isang baso ng mainit na tubig. Imumog ito ng tatlong beses sa isang araw.

Maaring ang Antibiotics ay hindi ireseta ng doktor para gawing gamot sa tonsil kahit ang sanhi ay bacteria, dahil sa dalawang dahilan:

• Sa karaniwang kaso ng tonsillitis, ang antibiotics ay hindi naipapadali nito ang paggaling, at maaring magkaroon ng di magandang side effects tulad ng pagsakit ng tiyan, diarrhea, at rashes.

• Sa palagiang paggamit ng antibiotics sa hindi seryosong bacterial infection ay nagreresulta ng hindi pag-epekto ngantibiotics sa malalang impeksyon, ang kondiston na ito ay tinatawag na antibiotic resistance.

Ngnit may mga eksepsyon at dapat bigyan ng antibiotics pang gamot sa tonsil kung:

• Ang sintomas ay malala
• Ang sakit ay hindi humuhupa
• Ang pasyente ay mahina ang immune system

Kung malala na at hindi humuhupa ang tonsillitis, magpakonsulta na sa doktor para sa mas angkop na lunas. Maaring kailangang nang hospital treatment kung lumalala at hindi humuhupa ang sakit na tonsillitis.

Bakit Nakakatakot Magkaroon ng Sakit sa Puso?

Ano ang sakit sa puso?

Ang mga taong inaatake sa puso ay may kundisyon kung saan ang daanan ng dugo patungo sa kanilang puso ay nabara at napipigilan nito ang pagdaloy ng dugo,oxygen at nutrisyon papasok at palabas sa puso. Ang sakit sa puso ay nakakatakot na sakit sapagkat pwede kang atakehin nito anomang araw, oras at saan mang lupalop ka ng mundo.

Ano ba ang nangyayari kapag ikaw ay inaatake sa puso?

Ang ating  puso ay binuboo ng  laman at nangangailangan ito ng patuloy na supply ng dugo at oxygen upang gumana ng maayos. Ngunit kapag tayo ay naging abusado sa ating katawan ang mga daanang ito ay mangsisikip kaya magiging iregular na ang pagtibok ng ating puso at dahil sa hindi ka parin natuto at inabuso mo parin ang katawan mo ay  masasara ang daloyang ito. Sa panahong magsara ito at hindi na makadaan ang oxygen at dugo papasuok o palabas man ay siguradong aatakehin ka talaga sa puso. Ang nakakatakot lang ay isa itong traydor na sakit, na bigla-biglaan nalang umaatake.

Sino-sino ba ang madalas tinatamaan ng sakit sa puso?

Lahat ng tao ay may tsansang  tamaan ng sakit sa puso ngunit ang mga taong kadalasan talagang tinatamaan ng sakit sa puso ay ang mga taong abusado sa katawan.

Sila yong mga taong malakas uminom at manigarilyo, sobra-sobra ang timbang o obese, mga taong hindi nag eehersisyo, malakas kumain ng matatamis at junk foods, atbp.

Ang mga sumusunod din ay kadalasay malamang matatamaan din ng sakit sa puso:

  • Dala ng pagtanda, ang lalaki ay kadalasang lumalaki ang tsansa na tamaan sa edad ng 45 at ang babae naman ay 55 pagkatapos mag menopos.
  • Hereditary o namamana sa magulang ang sakit sa puso.
  • Mga taong may highblood o altapresyon
  • Mga taong diabetic

Ano-ano ang mga sintomas ng pagkakaroon ng sakit sa puso?

  • Madalas na pananakit at parang naninikip ang iyong dib-dib kapag humihinga
  • Iregular ang pagtibok ng puso na kadalasay isang sinyales din ng paglaki ng puso o heart enlargement
  • Mabilis mapagod at parang nawawalan ka ng hininga na parang hinihingal palagi kahit wala ka namang ginagawa
  • Pinagpapawisan kahit na malamig ang panahon na minsay isang sinyales din na aatakehin ka sa puso
  • Hindi pangkaraniwang lakas ng hilik kapag natutulog

Ano ba ang gamot upang maiiwasan at mapigilan ang pagkakaroon ng sakit sa puso?

Maaring hindi mo alam kung kaylan ka aatakehin sa puso pero ayon sa mga eksperto may mga paraan tayo upang maiwasan at mapigilan ang pagdating nito.

  • Huwag manigarilyo o di kaya ay lumapit sa mga taong naninigarilyo baka ikaw ay makalanghap ng usok na galing sa kanila.
  • Iwasan ang pag inum ng alak sapagkat itoy nakakatrigger na ikaw ay magkaroon ng altapresyon
  • Iwasang ang pagkaing maraming kolesterol lalo na ang mga mantikaing pagkain.
  • Limitahan ang pagkain ng sobra-sobra at panatilihing hindi maging overweight para sa iyong edad.
  • Pagkagawian ang pag-ehersisyo araw-araw at ilabas ang pawis sa katawan.
  • Iwasan ang pagka stress at matulog sa tamang oras.

Mga dapat tandaan kung ano ang pulmonya o pneumonia sa mga bata at matatanda

Dahil sa sakit na pulmonya o pneumonia , taon-taon mahigit kumulang 50,000 ka tao ang namamatay sa USA.Ang sakit na ito ay karaniwang umaataki o dumadapo sa mga bata at matatanda sa panahon kung saan sila ay may dinaramdam na sakit at dahil dito pumapasok ang pulmonya sapagkat ang kanilang immune system ay mahina.

Ang sakit na pulmonya ay isang kundisyon kung saan ang daanan ng hangin ng baga ay namamaga.

 

Ang pulmonya ay hindi nakakahawa pero ang  mikrobyo na sanhi ng impeksyon ay maaring kumalat at dumapo sa ibang tao sa pamamagitan ng iyong pag-ubo.

Sino-sino ang mga taong kadalasang natatamaan ng pulmonya?

Ang mga sumusunod ay ang mga taong kadalasay ng nadadapoan ng pulmonya:

  • Mga taong naninigarilyo
  • Mga bata at sanggol
  • Mga matatanda
  • Mga taong may iniinda nang sakit gaya ng sakit sa puso, atay, at bato; hika o asthma at cystic fibrosis
  • Mga taong mahina ang immune system dahil kakagaling lang sa sakit gaya ng lagnat

Ano ang mga sinyales at sinotmas ng pagkakaroon ng pulmonya?

Ano ang mga paraan at gamot upang maiwasan at hindi lumala ang pulmonya?

  • Maglaan ng mahabang oras sa pagpahinga at magrelax.
  • Iwasan ang pagkastress at uminom ng maraming tubig sapagkat ito ay nakakatulong na lumosaw sa mga plema sa baga.
  • Iwasan ang paninigarilyo o di kaya ay paglapit sa mga taong naninigarilyo upang hindi makalanghap sa usok nito.
  • Uminom ng antibiotics kung sapalagay mo ay medyo hindi parin gumagaling ito.
  • Kumunsulta sa doctor at magpa x-ray upang mas malaman ang iyong tunay na kalagayan.

Ang pagkakaroon ng sakit na pulmonya ay wag baliwala-in sapagkat ang mikrobyo na nagdulot nito ay maari mong mapasa sa iyong pamilya kaya dapat sa lalong madaling panahon ay agapan na kaagad ito.

 

Kaalaman Kung Paano Agapan ang Mabahong Hininga

Maraming tao ang nagdurusa at namomroblema dahil sa pagkakaroon ng mabahong hininga o “halitosis” o bad breath na kadalasan ay nagmula sa gilagid at dila.

Ang pagkakaroon ng mabahong hininga ay isang nakakahiyang kondisyon na dapat maagapan kaagad.

Paano malalaman na ikaw ay may mabahong hininga?

Ang isang pangunahing problema sa pagkakaroon ng mabahong hininga ay ang ikaw sa sarili mo ay hindi mo alam na mabaho pala ang hininga mo at tanging ang taong mga nakakausap mo ang nakakapansin lang. Kaya nakakahiya talaga ang sakit na ito at dapat bigyang lunas kaagad.

Para malaman kung mabaho ba ang iyong hininga ay subokan mong tanungin ang taong malapit sayo at palagi mong nakakasalimoha, nakakahiya man ay kailangan mo itong gawin para sa sarili mo.

Ano ang mga dahilan at kailan kadalasan mabaho ang iyong hininga?

  • Mikrobyo at bakterya na nagmula sa mga tira-tirang pagkain na naipon sa bibig.
  • Pagkabagong gising sa umaga ay kadalasan mabaho ang hininga. Nawawala naman ito kaagad pagkatapos mong magmumog ng tubig at kumain ng umagahan.
  • Ang paghinga sa bibig at hindi sa ilong ay kadalasang dahilan ng pagkatuyo ng bibig na dahilan rin ng pagkabaho ng hininga.
  • Pag-inom at paninigarilyo ay isa rin sa dahilan ng mabahong hininga.
  • Ang pag-aayuno ay isa rin sa dahilan sapagkat walang laman ang sikmora at isang kemikal na tinatawag na ketones ang lumalabas sa hininga kapag ikaw ay nasusunogan ng taba sa katawan.

Anu ano ang mga paraan at gamot o lunas upang matanggal ang mabahong hininga?

1.       Mag sipilyo ng ngipin at least dalawang besis sa isang araw.

2.       Mag dental flos upang matanggal ang mga dumi sa gilid gilid ng ngipin na hindi natatanggal sa pagsisipilyo.

3.       Ugali-ing daanan ng sipilyo o kaskasin ang ibabaw at ilalim ng dila na kadalasay nakakligtaan sap agsisipilyo.

4.       Gumamit ng pangmumog o mouth wash kung kinakailangan.

5.       Itigil ang paninigarilyo at pag-inom ng alak sapagkat isa ito sa mga bagay na nagpatutuyo ng bibig na at lumilikha ng bakterya na maaring mangamoy.

6.       Kumain sa tamang oras, kadalasan bumabaho ang hininga kapag hindi ka nakakain at walang laman ang iyong sikmora.

7.       Uminom ng maraming tubig upang mapanatili ang  tamang pagkabasa at maiwasan ang pagkatuyo ng bibig.

8.       Ugali-ing makipag usap sa ibang tao at wag palaging naka tikom ang bibig buong araw.

9.       Pumunta ng regular sa iyong dentista upang mapanatili ang kalinisan ng bibig at mga ngipin.

Mabisang Gamot sa Sore Eyes

Ang allergies at mga impeksyon sa mata ay maaaring parehong maging sanhi ng pamumula, pangangati at parang may buhangin sa loob ng mata. Madalas itong napapabayaan dahil hindi mo alam ang mga mabisang gamot sa sore eyes at dahil dito maaring makaramdam ka ng pagod at bigat sa iyong mga mata at mahihirapan kang panatilihin itong nakabukas.

Mga sinyales at sintomas na ikaw ay may sore eyes:

Mabuting malaman kaagad ang mga sintomas at sinyales habang maaga pa upang malaman kaagad kung ano ang mga gamot sa sore eyes at maagapan na nang hindi na lumala.

• Pamumula ng kaliwa at kanang mata na maaring magsimula muna sa isa
• Mahapdi kapag nahahanginan o di kaya ay pag natapat sa araw
• Magaspang na parang may buhangin sa loob ng mata
• Pahirapan sa pagbukas ng mata galing tulog lalo na sa umaga
• Likido na parang luha at palaging may muta na lumalabas sa mata

Mga dahilan ng pagkakaroon ng sore eyes:

Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng sore eyes ang isang tao. Pinakakaraniwan nito ay ang

Pamumula Ng Mata

sobrang babad sa kompyuter at pagbabasa ng libro. Pero ang nangunguna talaga sa lahat ay ang pgkahawa sa mga taong may sore eyes na. Ang mga sumusunod ay ang mga iba pang dahilan.

• Pagka hawa sa ibang tao
• Pag gamit ng contact lenses
• Sobrang pagkuskus sa mata
• Sobrang babad sa araw
• Allergy at impeksyon dala ng mga kemikal at usok sa paligid
• Tuyong mata

Paano maiwasan ang sore eyes?

Importante talaga na malaman mo kung paano maiwasan ang sakit na ito nang sa gayuy hindi mo na kaylangan pang maghanap kung ano ang mga mabisang gamot sa sore eyes. Dito sa Pilipinas,ito ay isang pana-panahong sakit , kadalasang lumalabas ito ng summer dahil tag-init at kadalasang natatamaan nito ay ang mga bata. Ang pinakamabisang paraan upang ikaw ay hindi mahawaan ay ang pag-iwas sa mga taong kasalukayang may sore eyes, kumain ng masustansyang pagkain,wag ibabad ang mata sa kompyuter o libro ng walang pahinga at pinakahuli matulog ng maaga.

Anong gamot sa sore eyes na pwedeng mabili sa mga botika?

Ang mga sumusunod ay mga eye drops para sa sore eyes na pwedeng bilhin at gamiting lunas pero mas rekomendado parin ang magpakonsulta muna sa doktor bago gumamit nito.

• maxitrol
• tobradex
• tobrex
• cellufresh

Mga remedyong gamot sa sore eyes na pwedeng gawin sa bahay

Para sa mga walang pambili ng gamot ang mga sumusunod ay ilan sa mga pamamaraan kung paano gamotin ang sore eyes sa bahay.

• Paghihilamos ng malamig na tubig at paglagay ng yelo sa basahan at idampi sa mata.
• Takpan ang mata ng malamig na hiniwang pipino o di kaya ay patatas.
• Paglagay ng sariwang gatas sa mata

Alamin Ang Pinakamabilis, Epektibo at Mabisang Gamot sa Buni

Maraming tao ang naghahanap ng mabilis, mabisa at epektibong gamot sa buni. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ang buni ay madali lamang lunasan ng mga mabibiling gamot sa botika at mga natural na lunas sa bahay.

Ang buni ay isang klase ng fungal infection na maaring makuha ng kahit sino. Ang ringworm ay isa sa pinaka-common na fungi-caused na sakit sa balat. Ang human dermatophytes na karaniwang nasasalin tao sa tao ay ang pangunahing sanhi ng ringworm infection o buni.

Ang mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng buni:

  •  Direktang paglapat ng ringworm sa pamamagitan ng hayop sa bahay na may ringworm infection at lupang may ringworm;
  • Nakatira sa mainit at maalinsangang klima living in a warm, humid climate;
  • May mahinang immune system (na dahil sa pagkakaroon ng HIV/AIDS, cancer, chemotherapy, diabetes, o  ibang sakit);
  • Mga atleta na may direktang kontak sa katawan ng ibang atleta, katulad ng wrestling
  • Mga taong madalas pawisan na nagsusuot ng masikip na damitg;
  • Paggamit ng pampublikong liguan at palikuran; at
  • Paggamit sa higaan, tuwalya, damit ng mga taong may buni.

Sintomas at Sinyales ng Pagkakaroon ng Buni sa balat

Ang buni ay kadalasang lumilitaw na pulang marka sa balat, na kadalasang mabilis lumaki at pormang bilog. Karaniwan ang gitna ng buni ay magaspang at tuyo, o mamasa-masa, makati at mahapdi. Ang sukat ng rashes ng buni sa balat ay kadalasang nasa 4 o 5 sentimetro. Ito ay karaniwang lumalabas at nakikita sa may tiyan, singit, paa, braso at kamay, leeg, at mukha.

Mabilis at mabisang mga Lunas para sa Buni

Ang pinakamabilis na lunas para sa buni ay ang mga nabibiling antifungal cream at sabon sa botika at hindi na kailangan ng reseta ng doctor upang makabili nito. Ang mga cream at sabon na may zinc oxide, benzoic acid, sulfur, salicylic acid, clotrimazole, ketoconazole at iba pang antifungal na gamot ay ang pinakambisang pamatay ng buni. Sa Pilipinas, ang karaniwang brand ng mabisang antifungal na gamot ay

  •         Nizoral Cream
  •          IPI Whitfield’s Ointment
  •          Canesten
  •          Candiva
  •          Lamisil Cream
  •          IPI Sulfur Ointment
  •          Dr. S. Wong’s Bioderm Ointment

May Iba’t-ibang instruksiyon ang nakasulat sa bawat gamot sa buni na nakalista sa itaas, basahing mabuti ang nasa pakete kung paano at gaano kadalas ito gamitin. Napakahalaga na isanguni sa doktor ang iyong problema kung ang buni ay hindi nawawala pagkatapos ng dalawang lingo o mahigit simula ng paggamit ng mga nabibiling gamot sa botika.

Kung ikaw ay hindi kumportableng bumili ng gamot sa buni, ang mga sumusunod ay ang mga lunas na pwedeng sa bahay lang makita at gawin:

1.      Bleach – Ito ay karaniwang ginagamit pangtaggal ng dumi at mansta sa damit, at ito ay rekomendado na home cure para sa fungal infections. Ito ay epektibo na pamatay sa fungus, at ang resulta ay karaniwang nakikita kaagad sa loob ng isa or dalawang araw. Pero dapat tandaan na ang bleach ay hindi pangunahing ginagamit para ilapat sa balat, kuko at buhok ng tao. Ito ay delikadong gamitin kung sobra ang paglagay nito sa balat, maari itong makasanhi ng iritasyon, sunog at peklat sa balat.

2.      Tea Tree Oil – Ito ay matagal nang ginagamit na panglunas sa maraming sakit katulad ng ubo at sipon, sugat, at mga problema sa balat. Ang oil na ito ay may sangkap na  antimicrobial, antibacterial, antifungal and antiseptic na higit na kailangan para madaling malunasan ang mga sakit sa balat tulad ng buni.

3.      Garlic o Bawang – Ito ay herbal na gamot na may antiseptic, antibiotic, antimicrobial at antifungal na sangkap na mabisang panglaban at pwedeng gamiting gamot sa buni.  Paano gamitin ang bawang upang gawing gamot sa buni? Kumuha ng kalahating piraso ng bawang, durugin ito at ilagay ang katas ng bawang sa apektadong balat, patuyuin at ibalot ng bandage. Gawin ito dalawang beses sa isang araw. Maari rin itong gamitin para sa mga hayop na may ringworm infection. Ang paraang ito ay epektibo ngunit ito rin ay nakakapaso kung masosobrahan at matagal rin itong umepekto kung malala na ang buni.

Laging tandaan na kung ang buni o impeksyon sa balat ay hindi gumagaling pagkatapos gumamit ng mga gamot at ibang lunas, ikonsulta agad sa mga eksperto or doktor sa balat ang problema para hindi na lumala at mabigyan agad ng angkop na lunas.

Mga Sintomas ng Diabetes at mga Senyales na Kailangan na Magpakonsulta

Ano ang mga sintomas ng diabetes at paano natin masasabi na may sakit tayong diabetes ?

Kadalasang maagang sintomas ng diabetes ay ang mataas na lebel ng glucose sa dugo. Ang mga maagang babala ay karaniwang hindi madaling mahalata, lalo na ang Type 2 Diabetes na kaso. Ang Type 2 Diabetes ay matagal mapansin at kung lalabas ang sintomas nito ay dahil na sa matagalang pinsala sa katawan. At ang Type 1 Diabetes na sintomas ay madaling mapansin sa loob ng 1 to 2 weeks at dahil kadalasang malala na ang mga sintomas nito.

Pangkaraniwan at Kadalasang Sintomas ng Diabetes

Ang dalawang uri ng diabetes ay may kaparehang maagang sintomas tulad ng:

  • Madalas na pagkagutom at pagkahapo – Kung ang katawan ay hindi na gumagawa o hindi sapat ang insulin o ang body cells ay hindi na tumatanggap ng insulin ay nagreresulta ng pagkawala ng enerhiya sa katawan. Ito ay nagdudulot ng hindi ordinaryong pagkagutom at pagkahapo.
  • Madalas na pag-ihi at pagka-uhaw – Ang tao ay normal na umiihi apat hanggang pitong beses sa loob ng isang araw, pero ang taong may diabetes ay mahigit pa sa pitong beses ang pag-ihi.
  • Madalas ng tuyong bibig at makating balat – At dahil ang katawan ay ginagamit ang tubig ng katawan dahil sa madalas na pag-ihi, magkakaroon ng pagkatuyo ng ibang parte ng katawan tuladd ng balat at bibig. Pag ang isang tao ay dehydrated, ang bibig at balat ang unang apektado, at kadalasan ang tuyong balat ay sobrang makati.
  • Paglabo ng mata – Ang pag-iiba ng lebel ng body fluids sa katawan ay magdudulot ng pagmaga ng lenses sa mata. Ang hugis ng mata ay nagbabago at nawawalan ito ng abilidad na magpokus.

Ibang sintomas ng Diabetes: Type 1

  •  Wala sa plano at mabilis na pagbaba ng timbang
  • Pagkahilo at pagsusuka – Kung ang katawan ay nagsusunog ng taba sa katawan, lumilikha ito ng ketones. Kung dadami ito dahil sa mataas na lebel ng sugar sa katawan at nagsusunog ng taba, maari itong tumaas sa napakadelikadong lebel at ang kondisyong ito ay tinatawag na diabetic ketoacidosis. Ang ketones ay nagsasanhi ng pagsama at sobrang pagsakit ng tiyan.

Ibang sintomas ng Diabetes: Type 2

Ang mga sintomas kay kadalasang lumilitaw kung ang gluscose ay palaging mataas sa mahabang panahon.

  • Yeast infections – Parehong babae at lalaki ay pwedeng makaranas nito. Ang yeast ay nabubuhay sa pamamagitan ng glucose, kaya ang pagtaas ng glucose ay madals magresulta sa pagkakaroon ng yeast infection. Ang impeksyon ay maaring lumitaw sa mainit, mamasa-masang parte ng balat tuald ng: pagitan ng daliri sa kamat at paa, ilalim ng suso, loob at labas ng ari ng babae at lalaki.
  • Mabagal na paghilom ng mga sugat – Kung matagal na ang diabetes, nagkakaroon na ng nerve damages, dahilan upang mahirap na para sa katawan ng tao para paghilumin ang mga sugat.
  • Pagsakit at pamamanhid ng paa at binti – Isa rin ito sa resulta ng nerve damage.

Kailan kailangang magpakonsulta sa doktor?

Kung ikaw ay 45 years old pataas at ang pamilya ay may history ng diabetes, maghalagang magpakonsulta ka sa doktor at magpasuri ng sugar sa dugo. Pag ang kondisyon ay maagang matuklasan, maiiwasang ang mga nerve damages, problema sa puso, at iba pang komplikasyon.

Ang pangkalahatang tuntunin na dapat kanang magpakonsulta:

  • Palaging masama ang tiyan, nanghihina, ay palaging uhaw na uhaw
  • Madalas na umiihi kaysa sa normal
  • Sobrang pagsakit ng tiyan
  • Ang paghinga ay kadalasang malalim at mabilis kaysa sa normal
  • May matamis na hininga at amoy nail polish remover (ito ay sintomas na mataas nag ketones mo sa katawan)

Hindi dapat matakot kung ikaw ay may mga maagang sintomas ng diabetes, magpakonsulta agad sa doktor at ipasuri ang dugo para maagapan at malunasan agad ang mga nararamdaman.

Larong Pinoy at Laro ng Lahi Para sa mga Bata

Marami ang mga larong pinoy at “laro ng lahi” na malapit nang makalimutan ng mga batang Pilipino. Ito ay dahil sa pagdating natin sa “computer at internet age” kung saan halos nasa loob nalang ng bahay ang ma bata at nanunuod nalang ng TV o naglalaro sa computer.

Kung ikaw ay pinanganak noong 80s-90s marahil ay alam mo halos lahat ng mga larong pinoy sapagkat sa panahong ito ay wala pang gaanong teknolohiya at ang tanging libangan ng mga bata ay ang paglalaro sa labas. Sa panahon ngayon ay bihira mo nalang makikita ang mga batang naglalaro ng mga tradisyonal na mga larong pinoy na ito.

Balikan natin ang mga iilang larong pinoy at laro ng lahi na karaniwang nilalaro ng mga bata noon:

Bahay-bahayan – Ang bahay-bahayan ay maaring laruin ng lalaki at babae sapagkat isa itong role playing game na kung saan may magpapanggap na nanay, tatay, at anak. Ginagamit ang mga kumot unan at mga upuan upang gawing bahay, at minsa naman ay gumagawa rin ng luto-an kung saan yung nanay ay pwedeng magluto.

Taguan – Ito ay hango sa larong Ingles na ang tawag ay Hide and Seek. Magandang maglaro nito sa mga lugar na maraming kubo, puno at matataas na halamanan. Kahit ilang tao ay pwedeng sumali, ang kailangan lamang ay may tukuyin na “taya”. Ang sinumang matukoy na taya ay siyang magbibilang ng hanggang 30 habang nakapikit at nakasandal sa puno na nagsisilbing home base. Habang ang taya ay nagbibilang, ang mga kalaro ay naghahanap ng kanya kanyang mapagtataguan. Pagkatapos magbilang ng taya ay hahanapin na niya ang mga nagtago. Ang bawat nagtago naman ay hahanap ng paraan upang makapunta sa home base nang hindi nakikita ng taya sabay sisigaw ng “save”. Maliligtas mula sa pagkataya ang sinumang makapunta dito nang hindi nahuhuli. Matatapos lamang ang laro kung ang lahat ng manlalaro ay nakalabas na sa pinagtataguan.

Palo sebo – Hindi makukumpleto ang pistang Pilipino kung walang Palo Sebo. Ang larong pinoy na Ito ay nilalaro sa pamamagitan ng pag akyat sa mahabang kawayan na nilagyan ng grasa na magsisilbing pampadumulas. Kinakailangan ang malakas at makapit na paghawak sa kawayan upang makaabot sa tuktok at makuha ang premyo. Sa mga lalawigan sa Luzon tanyag ang larong ito sapagkat maraming puno ng niyog (madalas gamitin sa larong ito) ang matatagpuan dito. Ang larong ito ay kabilang sa “laro ng lahi” ng mga pinoy.

Piko Game – halos lahat ng batang pinoy noon ay marunong mag piko, madaming klaseng piko, per may standard na piko, yung tatlo single steps at dalawa double steps at buwan . Kailangan mo ng bato or pinagbasagan plato bilang bato mo (ang tamang bigkas ay baa-to), ihagis mo ang bato mo sa steps at ikaw ay pumunta at bumalik sa base. Kailangan mo makumpleto ang lahat ng steps at kapag nakumpleto mo ang lahat ng steps ay may karapatan ka ng magka “bahay “ ang bahay ay sa pamamagitan ng paghagis patalikod sa piko at kung saan dadapo ang bato ay doon ang bahay mo (maliba lang sa buwan, sa labas at sa kaban) hindi pwedeng tapakan ng kalaro mo ang bahay mo, at dalawang paan naman ang pwede mong tuntungin sa bahay mo, kung hindi pa kayo naglaro ng piko game sa buong buhay nyo ay hindi kumpleto ang pagka bata nyo

Jack-en-poy – Sa Ingles, ang bansag dito ay Rock-Paper-Scissors. Ang larong pinoy na  ito ay naglalayong matalo ang bawat galaw ng kamay sa pagitan ng dalawang manlalaro. Halimbawa, talo ng gunting ang papel, talo ng papel ang bato at talo ng bato ang gunting. Hindi makukumpleto ang larong ito kung wala ang kantang “jack-en-poy, hali, hali hoy! Sino’ng matalo siya’ng unggoy! Kinahihiligan ito ng karamihan sa Maynila.

Luksong Baka – Sa larong ito, ang isang manlalaro ay tutuwad ng bahagya habang nakasuporta ang kamay nito sa kanyang tuhod. Ang mga kalaro ay lulukso sa itaas ng taya gamit lamang ang mga kamay. Kapag sumayad ang mga binti ng lumukso sa ibang parte ng katawan ng taya, siya ang papalit dito. Sa mga bukirin ng Pangasinan sikat ang larong pinoy na ito.

Teks – di na ata uso ang tex ngayon, ito ay parang isang maliit na baraha ngunit ibat iba ang naka printa sa harap at kulay grey na papel ang likod, ito ay usong uso sa amin, ito ay parang sugal, na may mga maliliit na card na may nakalagay na illustrations sa isang pelikula, cartoon karakter na sina voltes 5 at mazingger z, o kaya mga pelikula ni FPJ. Parang kara o cruz kung sino ang nagiisang kakaiba sa pagtapon ng tatlong baraha ito ang panalo.

Siyato – Kung tatanungin mo ang mga bata sa Visayas tungkol sa larong Pitiw (syato), ay kilalang kilala nila ito. Dalawang manlalaro ang maglalaban dito. Kailangan ng bawat isa ang maikling patpat upang magsilbing pamato at mahabang patpat para gawing panghampas nito. Ang maikling patpat ay pumapagitna sa dalawang bato o home base at ang unang maglalaro ay ihahagis ito pataas sabay hataw dito gamit ang mahabang patpat hanggang sa maipalo palayo mula sa home base. Ang napalayong patpat ay pupuntahan ng naghagis at uulitin ang unang ginawa. Titigil lamang ito kung hindi natamaan ang kahoy habang nasa hangin. Ibabalik ito ng manlalaro habang sumisigaw ng “siyato” pabalik sa home base. Kung hindi nakasigaw ng “siyato” ay uulitin nito ang paghagis at paghataw.

Patintero – isa sa mga sikat na laro noong kabataan ko, ang kailangan mo lang ay isang malaking espasyo katulad ng kalsada at mga 8-10 na katao, at dahil kailang group ang maglalaro nito masaya at puro katatawanan lang ang nangyayari dito, hindi ko makakalimutan ang mag laro namin ng patintero sa kalsada.

Luksong Lubid – Ang larong pinoy na ito na binubuo ng tatlo o higit pang manlalaro ay simple lamang na kahit pinagdugtong dugtong na goma ay maaari nang gamitin. Sa larong ito lumulukso ang bawat manlalaro habang pabilis nang pabilis ang ikot ng tali o ng pinagdugtong na mga goma. Kapag tumama ang tali sa paa ng lumulukso, dahilan upang matigil ang pagikot nito ay siyang papalit naman ang ibang manlalaro. Isa pang uri ng luksong lubid ay tinatawag na Chinese Garter. Sa larong pinoy na ito, tatlo o higit pang manlalaro ang maaaring sumali. Gamit ang garter, lulukso lamang ang bawat manlalaro ngunit hindi tulad ng sa naunang uri, ang garter ay pataas ng pataas: mula sa bukong bukong hanggang sa itaas ng ulo. Kapag matatangkad naman ang iyong mga kalaban at may mahaba kang binti ay malaki ang tsansa ng pagkapanalo. Madalas itong makitang nilalaro ng mga bata sa makikipot na kalye ng Tondo, Manila.

Trumpo – Sa madaling pagsasaliksik ng larong  pinoy na trumpo, makikita mo muna ang sikat at hinahangaang palabas noong 90s. Ito ay pinamamagatang “Tropang Trumpo” na pinagbibidahan nina Ogie Alcasid, Michael V, Gellie De Belen at Carmina Villaroel. Ang nakakatawang palabas na ito ay handog sa larong trumpo. Sa salitang banyaga, tinatawag din ang larong ito bilang Spinning Top sa Ingles, Spun Tsa Lin sa Intsik at Koma Asobi sa Hapon.

Dalawang mahalagang gamit ang kinakailangan upang makapaglaro nito. Una ay ang gawa sa kahoy na hugis ng tulad sa acorn na mayroong pako na nakabaon ang ulo mula sa kahoy at ang pangalawa, isang mahabang lubid na magpapaikot sa kahoy na may pako. Sa oras na mapakawalan na ang kahoy mula sa lubid, marapat na maglaan ng sapat na espasyo ang manlalaro upang magpaikot ikot ito sa iba’t ibang direksyon.

Mahilig maglaro ng trumpo ang mga batang lalaki sa Lanao del Sur. Nasa kanilang lugar rin nagmula ang pinakamalaking trumpo sa Pilipinas; tinatawag itong Batige.

Kredito sa mga impormasyon at larawan:

akoaypilipino.eu
kritikongkiko.wordpress.com
fil.wikipilipinas.org

Mga Bansa sa South America

Ang pinakamalaking mga bansa sa South America o timog America ay ang Brazil  at Argentina. Ang South America ay binubuo ng labin dalawang bansa at dalawa nito ay non-sovereign, na may populasyon na aabot sa halos 386 milyon ka tao. Ang Pinakamalaking syudad nito ay ang Sao Paola na makikita rin sa Brazil. Sa kontinenting ito din natin makikita ang pinakamahabang ilog sa buong  ang Amazon River. Ang South America ang pang-apat na pinakamalaking kontinenti sa mundo.

Ang mga sumusunod ay ang mga bansa sa South America: populasyon, sukat at mga kabisera nito.

Mga Bansa Sukat
(km²)(sq mi)
Populasyon (2009) Kabisera
Argentina 2,766,890 km2 (1,068,300 sq mi) 40482000 Buenos Aires
Bolivia 1,098,580 km2 (424,160 sq mi) 9863000 La Paz and Sucre
Brazil 8,514,877 km2 (3,287,612 sq mi) 202241714 Brasília
Chile 756,950 km2 (292,260 sq mi) 16928873 Santiago
Colombia 1,141,748 km2 (440,831 sq mi) 46920000 Bogotá
Ecuador 283,560 km2 (109,480 sq mi) 14573101 Quito
Falkland Islands (United Kingdom) 12,173 km2 (4,700 sq mi) 3,140[24] Stanley
French Guiana (France) 91,000 km2 (35,000 sq mi) 221,500[25] Cayenne (Préfecture)
Guyana 214,999 km2 (83,012 sq mi) 772298 Georgetown
Paraguay 406,750 km2 (157,050 sq mi) 6831306 Asunción
Peru 1,285,220 km2 (496,230 sq mi) 29132013 Lima
South Georgia and the South Sandwich Islands South Georgia and South Sandwich Islands (United Kingdom) 3,093 km2 (1,194 sq mi) 20 King Edward Point
Suriname 163,270 km2 (63,040 sq mi) 472000 Paramaribo
Uruguay 176,220 km2 (68,040 sq mi) 3477780 Montevideo
Venezuela 916,445 km2 (353,841 sq mi) 31648930 Caracas

Kredito sa larawan at impormasyon.